top of page
Search
BULGAR

Hong Kong pinayuko ang Lady Bulldogs sa ASWVC

ni GA @Sports | September 3, 2023




Bokya ang inabot ng Philippine-National University Lady Bulldogs team kontra Hong Kong upang yumuko sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang paghaharap sa Asian Volleyball Confederation matapos ipalasap ang straight set 21-25, 21-25, 11-25, nitong Biyernes sa 22nd Asian Seniors Women’s Volleyball Championships sa Chartchai Hall of The Mall sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.


Hindi umubra ang angas ni dating UAAP Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen upang manatiling walang panalo ang Phils-NU squad sa Pool D sa 0-3 matapos unang beses takasan ng Kazakhstan sa 5th set at magkasunod na walisin ng powerhouse na China at Hong Kong upang dumiretso sa Pool H kasama ang Hong Kong at Iran para sa classification match ng 2023 edisyon.



Pilit na binuhat ni Belen ang national squad subalit hindi pumalag sa mga hambalos nina 2022 Asian Challenge MVP at outside hitter na si Wing Lam Chim at opposite hitter Wing Man To para makuha ng Hong Kong ang unang panalo sa ligang inorganisa ng Asian Volleyball Confederation (AVC) katulong ang Thailand Volleyball Association, kung saan ang top-three teams ay magkakuwalipika sa 2025 FIVB Volleyball Women’s World Championship bilang kinatawan ng AVC.


Makailang beses tinalo ng kasalukuyang No.63 ranked Pilipinas ang No.71 Hong Kong sa Asian Championship for Women nung 2015 at 2017, gayundin sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games.

Matapos masungkit ng Hong Kong ang first set ay nagkaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na madala sa tabla ang laro ng magawang mailista ang 18-15 kalamangan sa second set mula sa atake ni Belen, subalit lumikha ng 5-2 run ang Hong Kong sa pagtutulungan nina Man To at Chim, habang nanggaling naman kay Alyssa Solomon ang dalawang puntos ng Pinas para itabla ang laro sa 20-20.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page