ni BRT @News | Mar. 29, 2025
File Photo: Sina Honeylet at Kitty sa The Hague, Netherlands - FB Lance Kurt Zimmermann Duterte, Circulated
Sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin nakapasok sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) ang common-law partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Pansamantala munang nanatili si Avanceña kasama ang mga supporter ng dating Pangulo, na nagbigay ng birthday cards.
Matatandaang dumating nitong Marso 26, sa The Hague, Netherlands ang mag-inang Honeylet at Kitty ngunit hindi pa umano pinayagan ang mga ito na mabisita si Digong, na nagdiwang ng kanyang ika-80 kaarawan kahapon.
Nakadetine si FPRRD upang harapin ang paglilitis kaugnay ng crimes against humanity na nagawa umano sa kanyang war on drugs.
Comments