ni MC @Sports | December 24, 2022
Bumanat na kagabi ang Philippine national football team sa kanilang home turf sa Rizal Memorial Stadium sa Manila kontra sa Brunei sa 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup.
Pakay ng Azkals, na mula sa 3-2 loss sa Cambodia ang unang panalo sa Southeast Asian tournament.
Inaasahan ng nationals na makakolekta ng full points laban sa bisitang team, habang ang draw o ang pagkatalo ang siyang hadlang sa kanilang goal bilang top two teams sa Group A, kabilang na ang last year’s finalists Thailand at Indonesia. Natalo ang Brunei sa Thailand sa kanilang opening match, 0-6.
Inaasahan din ng bagong Azkals' Spanish coach na si Josep Ferre na ang paglalaro sa harapan ng home crowd ang magpapainit sa laro ng Filipinos laban sa Brunei.
Aasa si Ferre sa squad na binubuo ng players na walang sapat na international experience at iilang beterano kabilang na si Stephan Schrock.
Comments