top of page
Search
BULGAR

Home remedy sa masakit at namamagang gilagid

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 2, 2021





Dear Doc. Shane,


Namamaga ang gilagid ko pati na rin ang pisngi sa bandang kaliwa marahil sa ngipin ko na sumasakit. Ano ang dapat kong gawin o inumin? – Gina


Sagot


Ang namamagang gilagid o stomatitis ay ang pamamaga ng mga malalambot na tisyu sa loob ng ating bibig. Ang magandang panlunas ay yelo na ibinalot sa tela, at ilagay ang yelo sa namamagang pisngi upang mabawasan ang pamamaga nito at mainam din ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maaari ring magmumog ng anumang mouthwash na kilala sa pagpatay ng mga mikrobyong namuo sa loob ng bibig.


Kung kumikirot pa rin, maaring uminom ng ibuprofen na nakakatulong maibsan ang pananakit ng ngipin.


Makatutulong ang mga sumusunod:

  • Magmumog ng tubig na may asin, tatlong beses maghapon bago kumain

  • Masahihin ng malilinis na daliri ang gilagid pagkatapos magmumog

  • Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain. Gumamit ng sepilyo na may malambot bristles

  • Uminom ng apat na basong katas ng prutas sa buong maghapon

  • Patingnan sa dentista ang namamagang gilagid

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page