ni Fely Ng - @Bulgarific | January 31, 2021
Masayang araw na puno ng pag-ibig, Bulgarians! Kamakailan ang Pag-IBIG Fund home loan ay naglabas ng P12.11 Bilyon sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19. Umabot sa P640 milyon ang itinaas o 6 percent increase mula sa dating P11.47 bilyon, ayon sa mga opisyal nito.
“Our home loan takeouts in December is the highest for a single month in Pag-IBIG Fund’s history. Because of it, we were able to finance the acquisition of 12,275 homes for our members in December alone, which is also a record-high. Amid the challenges, Pag-IBIG has provided homes to more members during the pandemic, aiding in the government’s efforts led by President Duterte, to keep Filipino families safe at home,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na siya ring namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Para sa 2020, ang Pag-IBIG Fund ay nagrelease ng P63.75 bilyon para sa home loans upang ang 63, 750 na miyembro nito ay magkaroon ng kanilang sariling tahanan. Mula sa kabuuang halaga, 11 percent o P7.1 bilyon ang ni-release bilang socialized home loans para sa benepisyo ng 16, 975 Pag-IBIG Fund members na kabilang sa minimum na sahod at mga sektor na may mababang kita, dagdag ni del Rosario.
Samantala, ang Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund na si Acmad Rizaldy P. Moti ay nagpahayag ng optimismo na magpapatuloy ang pagtaas ng bilang lalo na’t muling nagbukas ang ekonomiya.
“From September to December, our home loan releases were close to ‘pre-pandemic’ levels. We released more than P6 billion to P7 billion in home loans every month, reaching its peak in December when releases reached over P12 billion. The year 2020 may not have been record-breaking in terms of numbers, but it was a story of grit and resiliency as we were able to bounce back quickly,” saad ni Moti.
“Looking at the bigger picture, the improvement in numbers does not only mean increased homeownership among Filipinos. It also means that Pag-IBIG Fund is able to take part in ensuring the safety of our members and their families, especially during this time of a pandemic. Rest assured that as 2021 unfolds, we will continue to be our members' reliable partner as we all journey to full recovery,” dagdag ni Moti.
Sa kabuuan, inaprubahan ng Pag-IBIG Fund ang P84.53 bilyon sa home loans upang pondohan ang pagkuha ng 80, 748 na tahanan noong nakaraang taon, habang ang halagang P20. 78 bilyon ay kumakatawan sa mga naaprubahang aplikasyon sa home loan na nakabinbin, kung saan nakahanda na para sa disbursement pagka-submit ng barrowers ng kanilang post-approval requirements.
Comments