ni ATD - @Sports | January 21, 2021
Kahit may coronavirus (COVID-19) pandemic ay boxing pa rin ang nasa kukote ni former World Champion Evander Holyfield.
Sumasawsaw si Holyfield sa nilulutong mega fight sa pagitan nina reigning World Boxing Association (WBA) Manny Pacquiao at Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor.
Planong tulungan ni Holyfield si McGregor para manalo laban kay eight-division world champion Pacquiao sakaling matuloy ang laban kahit patuloy ang pamiminsala ng COVID-19.
Naniniwala si Holyfield na mabigyan lang ng magandang boxing training si McGregor ay malaki ang tsansa nitong manalo sa Pinoy icon.
May mga bentahe si McGregor na maaaring maging sandata nito ayon kay Holyfield. “He has reach advantage. So he has to keep Pacquiao to the side and throw the punches straight," saad ni Holyfield sa online interview. Pero hindi basta-basta mako-corner si Pacquiao gaya ng pahayag ni Holyfield dahil beterano na ito sa larangan ng boxing. Sa ngayong tahimik pa ang kampo ni Pacquiao para sa kanyang laban ngayong 2021.
Comments