top of page
Search
BULGAR

Hollywood actor ang bida… ALDEN, PROUD NA CO-PRODUCER NG INTERNATIONAL WAR MOVIE

ni Nitz Miralles @Bida  | August 14, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards / Scott Adkins

Ang positive ng announcement ni Alden Richards nang ibinalita niyang co-producer siya sa international war movie na Death March (DM) na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Scott Adkins, pero may humirit agad na basher.


Comment ng basher, sana ay mabago ang paniniwala nating mga Pilipino na hindi enough na may foreign actor sa movie ay pang-international na ang datingan. 

Mabuti at may dumepensa agad kay Alden. Hindi pa nga raw lumalabas ang movie, hinusgahan na at kung anu-ano na ang sinasabi.


Anyway, sa bansa ang shooting ng war movie at ramdam ang tuwa ni Alden sa post niyang, “Thrilled to co-produce a film that brings together talents from the Philippines, US, Europe, Australia and Japan. Can’t wait to unveil this journey with the world.”


Kasama si Gabbi Garcia sa cast ng DM sa direction ni Louis Mandylor. Hintayin natin ang cast reveal para malaman ang iba pang cast ng movie na co-produced ng Myriad Entertainment ni Alden.


In fairness, swak ang movie na DM sa series ng GMA-7 na Pulang Araw na isa si Alden sa mga bida. May death march scene sa series na inaabangan ng mga viewers para makita kung paano ine-execute ni Direk Dominic Zapata.


Still on Alden, nainterbyu sila nina Kathryn Bernardo at Direk Cathy Garcia-Sampana ng CBC News ng Canada to talk about their movie Hello, Love, Again (HLA). Ipinakita pa ng CBC News ang maraming fans na pumunta sa shooting para makita sina Alden at Kathryn at makapagpa-picture sa kanila.


Kahit may nagsabing maling rason ang balita, mas marami naman ang natuwa na ini-report ng CBC News ang shooting at nainterbyu pa ang mga bida. Early promo raw ito sa movie na showing sa November 13.


 

May post si Claudine Barretto na, “To all my Claudinians and my Palanggas, please watch me as I answer all the Questions and updates po sa mga naglalabasan po mamaya (kahapon). I will keep you all posted as to what time ako magla-live stream to give my side of the story. 


“‘Wag po kayong mag-alala sa akin, I  will be addressing the interviews of the people involved po. Stay positive po tayong lahat at sana maunawaan at malinawan kayo sa mga isasagot ko po na isa-isa. I love you all so much and God bless all of you, have a blessed day.”


May mas mahabang post pa si Claudine at sinabing may special guests siya sa kanyang live streaming. Tungkol yata ito sa isa niyang post na about sa mga kaibigan niyang walang loyalty, abusive at may kasama pang photo ng cobra.


Kaya lang, ipinauna na ni Claudine na hindi siya magbabanggit ng pangalan kung sino ang kaibigan niyang ito na nagsamantala sa mga fans niya sa Cebu, at pera na naman ang pinag-ugatan ng gulong ito. 


Kahit walang binabanggit na pangalan si Claudine, parang alam na ng kanyang mga fans kung sino ang kaibigan niyang ito.


Kasama kaya sa pinag-usapan at nilinaw ni Claudine ang isyu nila ni Angelu de Leon at kung bakit hindi na sila friends? 


Sa guesting ni Angelu sa Fast Talk with Boy Abunda (FTBA), wish nitong maging okay na sila ni Claudine Barretto.


 

                                                   

KAHIT airing pa ang Widows’ War (WW) at tila mahaba pa ang itatakbo, nag-celebrate na ang cast at production and creative team dahil sa success ng murder mystery series. Masaya ang lahat ng involved sa series na inaabangan gabi-gabi at ang mga viewers, laging may kaba sa mga pasabog.


Kabilang sa pinakamasaya ay si Bea Alonzo na gumaganap sa role ni Sam, ginugulat at tinatakot nito ang mga viewers na nakatutok sa mga mangyayari. Pero gusto ng mga viewers ang mga catfight nila ni Carla Abellana who plays George.


Samantala, nabanggit ni Bea sa My Mother, My Story hosted by Boy Abunda na nasaktan siya para sa mom niya na ginawang kontrabida sa breakup nila ni Dominic Roque. Pinalabas na kasalanan ng mom niyang si Mary Anne Ranollo ang hindi pagkatuloy ng wedding nila ni Dominic.


“Ang masakit lang sa ‘kin, siyempre, nadadamay sila, ‘yun ‘yung medyo may thing kasi ako, sanay ako, eh. Hello? Matagal ko nang ginagawa ‘to. 


“Pero kapag ‘yung pamilya na ‘yung nadadamay, tapos, gumagawa pa sila ng mga theories, tapos ginagawang villain ang nanay ko, masakit. Masakit ‘yun,” pahayag ni Bea.


Na-ishare ni Bea na malaki ang pasasalamat niya sa nanay niya na laging nasa tabi niya tuwing may problema siya sa kanyang buhay at career. 


Kuwento ng aktres, isang beses, niyakap siya ng mom niya nang mahigpit at hinayaan siyang ibuhos ang emosyon, kasama na siguro ang pag-iyak, at tumagal ‘yun nang ilang oras.


May sinabi pa si Bea sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda na, “I turned out to be a strong woman because of my mom.”

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page