ni Clyde Mariano @Sports | July 22, 2024
“I am proud to represent the Philippine in Paris Olympics and see the Philippine flag flying alongside the flags of other countries. My dream hear Lupang Hinirang plays in Paris.”
Sinabi ito ni Lauren Hoffman sa eksklusibong panayam sa National Open Invitational Athletics at sa wakas natupad ng 25-anyos na Filipino-American ang kanyang pangarap makalaro sa Paris Olympics na tumapos ng 39th sa 40th quota or cutoff qualifying.
“I already there. I will play my very best, work extra hard, utilize my running skill and experience to full use to accomplish my dream and win medal for the Philippine,” ani ni Hoffman.
Inamin ni Hoffmann, gold medalist sa Southeast Asian Games at naglaro sa 19th Asian Games sa China na mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil world class ang mga kalaban. “Olympic is not an ordinary sports competition. Competition is tough where the best and the brightest athletes in the world compete. It’s a tough job to accomplish,” wika ni Hoffmann. “Hardwork, aspiration, dedication, determination and desire to win is the key,” ani Hoffmann.
Ang Paris Games ay pangatlong foreign exposure ni Hoffman bilang miyembro ng national track and field team mula 2023 nang manalo ng ginto sa Southeast Asian Games at naglaro sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Tatakbo si Hoffman sa 400m hurdles na kanyang dinomina sa SEA Games at dalawang National Athletics Open Invitational sa Ilagan, Isabela at Philsports track and field oval.
Kamakailan sinira ni Hoffman ang national record sa 100m hurdles sa bagong markang 13.41 seconds na ginawa sa Duke Invitational sa Durham, North Carolina.
Binura sa record book ang 25-year old 13.65 seconds na ginawa ni Sheena Atilano sa Asian Athletics sa New Delhi, India.
Comments