top of page
Search

Hoarders ng mga gamot, dapat lang masampolan!

BULGAR

ni Ryan Sison - @Boses | January 07, 2021



Habang nagkakaroon ng umano’y shortage ng gamot sa ilang lugar sa bansa, hinimok ng isang mambabatas ang mga awtoridad na arestuhin ang mga hoarders at nagmamanipula ng presyo ng mga gamot na ginagamit laban sa mga sintomas ng COVID-19.


Ito ay kasunod ng mga ulat hinggil sa nangyayaring hoarding ng mga gamot, tulad ng paracetamol.


Paglilinaw ng mambabatas, mayroong mga batas, regulasyon at kahit ordinansang nagbabawal sa hoarding at price manipulation ng mga gamot at iba pang mahahalagang consumer products.


Bagay na magagamit aniya ng mga awtoridad upang mahabol ang mga nananamantala sa sitwasyon.


Kasabay nito, nanawagan ang mambabatas na magtulungan ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs).


Samantala, pinatitiyak naman nito sa mga manufacturers na mayroong sapat na suplay ng COVID-19 medicines sa mga botika.


Gayunman, matatandaang tiniyak ng DTI na mayroong sapat na stocks ng paracetamol at iba pang gamot para sa mga sintomas ng COVID-19 at daragdagan pa ang mga suplay nito.


Sa totoo lang, nakadidismaya dahil hanggang ngayon, hindi nawawala ang mga nananamantala kapag may ganitong sitwasyon. Ang ending, pahirapan ang paghahanap ng gamot sa ibang lugar.


Ang mga ganitong pananamantala ay mauuwi sa panibagong problema dahil dito papasok ang pagkalat ng mga peke at overpriced na gamot. Doble-dobleng pahirap at problema tuloy, bagay na hindi nakatutulong sa ating sitwasyon.


Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, agapan ang sitwasyon upang hindi na lumala. Masyado nang maraming hamon ang kinahaharap ng bansa at ‘wag na nating dagdagan pa.


 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page