ni BRT @News | August 8, 2023
Inihirit ni Senator Francis Tolentino sa pamunuan ng major tollways na huwag nang singilin ng toll fee ang mga sasakyan na may dalang relief goods tuwing may kalamidad o sakuna.
Ani Tolentino, matapos ang malawakang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Gitnang Luzon bunga ng ilang araw na pag-ulan dahil sa habagat at Bagyong Egay.
Aniya, tumutulong sa mga biktima ng kalamidad ang mga nagdadala ng relief goods.
Nagpahatid na si Tolentino ng kanyang tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan at Pampanga.
Samantala, iminungkahi rin ng senador sa pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corp. na bigyan ng refund ang mga motorista na na-stranded sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha.
댓글