top of page
Search

Hirit sa Senado... Paglikha ng vaccine institute, aprubahan na – DOST

BULGAR

ni Lolet Abania | October 31, 2021



Hinimok ng Department of Science and Technology (DOST) ang Senado hinggil sa pag-apruba nito sa panukalang paglikha ng isang virology at vaccine institute sa Pilipinas, kung saan makatutulong sa bansa sa paghahanda para sa isa pang posibleng krisis sa pangkalusugan.


Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, mayroon na aniyang pondo sa initial research para sa vaccine institute nitong 2021 kahit na naka-pending pa ang nasabing panukalang batas.


“’Yan ay natutuwa ako kasi mabilis na inaksyunan sa House of Representatives, inaprubahan na nila. Ngayon ‘di pa nate-take up sa Senate.


Sana naman suportahan tayo. Pinapahalagahan ito,” ani Dela Peña sa isang radio interview ngayong Linggo.


Nitong Hulyo, inaprubahan na sa huling pagbasa sa mababang kapulungan ang measures tungkol sa paglikha ng Center for Disease Control at isang virology research institute sa Pilipinas.


Matatandaang sa huling State of the Nation Address (SONA), ipinanawagan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng measures hinggil sa paglikha ng mga naturang entities na nakatuon sa tinatawag na emerging and re-emerging diseases.


Sa ngayon, sinabi ni Dela Peña na mayroon na silang isang Biosafety level 2 laboratory, kung saan nagsagawa na rin ng anim mula sa walong proyekto para sa vaccine institute.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page