top of page
Search
BULGAR

Hirit sa Kamara, alagang hayop, payagan sa PUV at restaurant

ni Madel Moratillo @News | March 28, 2024




Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas para payagan ang pet owners na maisakay ang kanilang mga alaga sa pampublikong sasakyan at establisimyento.


Sa ilalim ng House Bill 6786 o ang "Pet Transport Act" ni Parañaque Rep. Edwin Olivarez, nais na mapayagan ang mga alagang hayop na maibiyahe sakay ng public utility vehicles (PUV).


Pero may ilang kondisyon, dapat nasa loob sila ng carrier o cage kung may ibang pasahero sa loob ng PUV.


Hindi sila dapat na i-confine habang ibinabiyahe. Pero dapat tiyakin din ng pet owners na walang mabahong amoy at malinis ang kanilang alaga.


Dapat ding tiyakin na hindi makakasira ang alaga o magkokompromiso sa kaligtasan ng ibang pasahero.


Ang pet owner din ang mananagot kapag may nasira sa PUV.


Sa House Bill 9570 o "Pets in Food Establishments Act” naman ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan Tambut, isinusulong na payagan ang pet dogs at cats sa food establishments.


Ang mga service animal o aso na nasa ilalim ng kontrol ng uniformed law enforcement officers o uniformed employees ng private agencies na deputized ng gobyerno at ginagamit for security functions ay hanggang sa labas lang ng restaurant. Ang pagkain at tubig para sa mga alagang hayop ay dapat na sa single-use disposable containers.


Bawal naman makisalamuha nang direkta ang empleyado ng food facility sa mga hayop habang naka-duty.


Sa ilalim ng panukala, nakasaad na ang lalabag sa mga probisyon ay puwedeng makulong ng 2 buwan hanggang 1 taon at magmulta ng 10 libong piso.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page