top of page
Search
BULGAR

Hirit ni SP Escudero, isyu sa WPS, dalhin sa ASEAN

ni Angela Fernando @News | June 5, 2024



Showbiz News

Iminungkahi ni Senate President Francis "Chiz" Escudero nitong Miyerkules na itaas ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa gitna ng pinakabagong agresyon ng China laban sa mga Pilipinong military.


Sinabi ito ng bagong luklok na pinuno ng Senado nang tanungin kung dapat bang magsampa ng panibagong kaso ang 'Pinas laban sa China.


"Option palagi ‘yan ng ating pamahalaan pero isang concern din na nais kong i-bring up ay sana subukan, kung kakayanin ng ating DFA, na dalhin ito sa ASEAN.


‘Yan ang regional organization na kinabibilangan ng Pilipinas at hindi maikakaila ang isyung ito kaugnay sa West Philippine Sea ay nagaganap sa loob na nasasakupan ng ASEAN," saad ni Escudero.


Dagdag pa ni Escudero, hindi man kilala ang ASEAN bilang politikal na asosasyon, magagamit pa rin ang forum para mapag-usapan ang nagaganap sa WPS.


Tugon ito sa video na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapakita ng mga tauhan ng China na kinukuha ang mga supply na nakalaan para sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sinabi ni Escudero na tila pinapalala nito ang tensyon sa lugar.


Ngunit nanawagan ang mambabatas sa lahat ng partido na manatiling kalmado sa kabila ng mga kamakailang kilos ng mga tauhan ng China, binigyang-diin na walang nagnanais ng digmaan sa rehiyon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page