top of page
Search
BULGAR

Hirit ni Mayor Magalong, 'di sumunod sa safety protocols… ARJO AT 9 PA SA ISINU-SHOOT NA PELIKULA SA

BAGUIO, POSITIVE SA COVID-19.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 19, 2021



Sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay iniwan ng aktor na si Arjo Atayde ang mga kasamahan nitong nagsu-shooting sa kanilang lugar para umuwi ng Maynila matapos magpositibo ng aktor at siyam pang kasamahan nito sa COVID-19.


Ayon sa alkalde, “Nag-positive 'yung isang grupo na nagsu-shooting dito, 'yung grupo nina Mr. Atayde.


“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero 'di nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagta-triage.


"Tapos 'yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa. So, heto nangyari ngayon. There are 10 people sa grupo nila ang nag-positive.”


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay ka-chat namin ang isang film producer na kausap ang mga umano’y sinasabing iniwan ni Arjo at sinabing pabalik na sila ng Manila at diretso sila sa hotel quarantine.


Sabi pa na madalas daw magpa-test ang buong staff at mga artista ng produksiyong pag-aari ni Arjo, kaya wala silang nilabag sa ipinatutupad na health protocols ng IATF.


Kasama pala sa pelikula si Hashtag Nikko Natividad at ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules na, “Napakabuti at alaga ni Arjo sa aming lahat kaya paano sasabihing inabandona? Hindi ganu’n tao si @arjoatayde.”


Isa si Arjo sa mga producers ng pelikulang isinu-shoot nila mula sa sariling produksiyon na Feelmaking Productions, Inc. at kilala namin siya nang personal kung gaano siya ka-generous kaya sigurado kaming wala siyang pinabayaang tao sa team niya.


Base sa inilabas na official statement ng Feelmaking Production, Inc. head na si Ellen Criste sa sinasabing umalis ang aktor, “Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.


“It was the mutual decision of Feelmaking Productions, Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.


“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.


“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.


“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive.”

Ang basa namin kung bakit napagdesisyunan ng mga magulang na pababain na ng Baguio si Arjo ay dahil may trauma pa rin sila dahil sa nangyari sa kanila noong Abril, 2020 kung saan dinapuan si Sylvia at ang asawang si Art ng moderate COVID-19 at ilang linggong nanatili sa ospital.


Ang mga sintomas na naramdaman ni Arjo ay kapareho sa inang si Sylvia Sanchez na barado ang ilong at masakit ang buong katawan kaya nataranta ang pamilya, at hindi siya tumakas base sa pahayag ng RNG Luzon local news.


Iniwasan ni Arjo na makahawa kaya kaagad na siyang bumaba ng Manila at kaagad na dumiretso sa hospital kung saan pumila pa siya.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay maayos ang karamdaman ng aktor at nakakausap siya ng pamilya kaya hindi totoo ang balitang kumalat na malubha at naka-intubate na siya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page