ni Mabel Vieron | May 30, 2023
Nagsanib-puwersa ang Saudi Arabia at U.S. sa panawagan upang mapalawig ang ceasefire deal sa Sudan.
Ito ay matapos ang itinakdang isang linggong ceasefire sa pagitan ng Sudanese Army at Rapid Support Forces (RSF).
Ikinabahala ng United Nations ang patuloy na pakikipaglaban ng dalawang puwersa.
Mula nang sumiklab ang labanan noong Abril 15 ay nasa 1.3 milyong katao na ang lumikas sa kani-kanyang mga kabahayan at ilang daang katao na rin ang nasawi.
Comments