ni Nitz Miralles @Bida | September 7, 2024
Makikitang nag-follow sa isa’t isa sa Instagram (IG) sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre matapos lumabas sa social media ang photo nilang dalawa na magkasama. Kuha ang larawan nila nang magkita sa birthday party ni Dr. Aivee Teo, owner ng The Aivee Clinic na pareho nilang pinupuntahan.
May photo pang nag-cheers ng wine sina Kathryn at Nadine kasama ang ibang Aivee babies na sina Heart Evangelista, Sofia Andres, Kylie Verzosa at Maricel Soriano.
Hindi naman magkaaway ang dalawa at siguro naman, nagkikita sila sa mga showbiz events. Hindi lang sila nagkakatsikahan at walang pagkakataon na maging magkaibigan, kaya ngayon lang nila na-follow ang isa’t isa sa Instagram (IG).
Dahil friends at follower na sa IG ang isa’t isa, matitigil na rin ang awayan ng kani-kanyang mga fans nila. Isyu lagi sa dalawang kampo kung sino ang mas sikat at sino ang mas mahusay na aktres sa dalawa. May nabasa pa kami na pati acting trophies na napanalunan nina Kathryn at Nadine ay binibilang.
Masaya ang mga fans nina Nadine at Kathryn na hindi kasama sa mga nag-aaway-away. Sila itong nagre-request na sana ay magsama sila sa pelikula o kahit sa TV series.
Ang request pa ng mga fans, drama ang gawin ng dalawa, ‘yung parehong gray ang character nila at paiiyakin sila.
Samantala, nakapag-photo shoot na sina Kathryn at Alden Richards para sa publicity at promo ng kanilang movie na Hello, Love, Again (HLA) na marami nang nagsasabing magiging box-office hit gaya ng una nilang pelikula na Hello, Love, Goodbye (HLG).
SOLD-OUT na ang tiket para sa September 13, 2024 Videoke Hits: OPM Edition concert ni Ice Seguerra, kaya nagdagdag ng panibagong concert date ang Fire and Ice Live, ang producer ng concert.
Sa ipinadalang press release, nakasaad ang, “Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may pagkakataon na para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024 sa Music Museum.”
Kailangan lang agahan ang pagbili ng tiket dahil siguradong maso-sold-out na naman at mauubusan kayo.
Sa third edition ng hit concert ni Ice, puno pa rin ng iconic OPM hits ang concert. Kakaibang experience ito dahil pagsasamahin ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance na siguradong magugustuhan ng audience.
Nagpasalamat si Ice sa malaking suporta sa kanyang concert, “Hi, guys! Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa ‘kin. Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat. At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang VIDEOKE HITS OPM EDITION.”
Pamilya at GF, tuloy ang word war…
CARLOS, AYAW MA-BASH, NI-LIMIT ANG PUWEDENG MAG-COMMENT SA FB
AYAW na sigurong makabasa ng negative comments o pamba-bash sa kanya kaya limitado na ang puwedeng mag-comment sa bagong post ni Carlos Yulo sa Facebook (FB).
Ang positive nga naman ng post ni Carlos at good news ang kanyang ibinalita, may kasama pang videos and photos, tapos iba-bash lang siya. Kaya mas maganda kung limitado na lang ang makakapag-comment.
Ibinalita ni Carlos na bumalik siya sa Paris (kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose).
Caption ni Carlos sa post, “Returning to Paris feels surreal—what a journey it’s been. But this time, it’s more than just about me.”
Ini-skip namin ang kasunod na binanggit ni Carlos dahil promo sa isa niyang car company.
Dagdag pa niya, “Now, as I return to Paris, I’m excited to see how everything we’ve worked on comes to life. This isn’t just a return; it’s a celebration of how far we’ve come and the possibilities that lie ahead. Let’s keep pushing the limits and creating new memories together.”
Tamang-tama ang ginawa ni Carlos na limitahan ang puwedeng mag-comment sa kanyang post dahil may isyu na naman ngayon between his dad and his girlfriend.
Kailan nga kaya matatapos ang isyu at online war ng pamilya Yulo?
Comments