top of page
Search

Pagbubukas uli ng gym, inihirit ng DTI

BULGAR

ni Lolet Abania | September 26, 2021



Hiniling ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pamahalaan na muling buksan ang mga gym sa ilalim ng ipinatutupad na alert level systems sa bansa.


Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay isinailalim sa Alert Level 4 simula noong Setyembre 16 hanggang 30.


Sa nasabing alert level system, pinapayagan lamang na mag-operate ang mga restaurants at salons sa limitadong kapasidad.


Samantala, ipinahayag ni Lopez na iminungkahi na ng ahensiya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan na ang muling pagbubukas ng mga gym na mayroong 10% capacity.


“’Yung susunod po nating ipapa-allow, dahil sa prinsipyo ng exercise, ay ‘yung gym.

Pinag-iisapan ‘yan. ‘Yung exercise kasi nakakataas ng immunity,” paliwanag ni Lopez sa isang interview ngayong Linggo.


Sinabi pa ng kalihim na ni-require na nila sa mga gym ng paglalagay ng mga air purifiers.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page