top of page
Search
BULGAR

Hirit ng Comelec.. Bagong voting machines sa 2025

ni Madel Moratillo | May 5, 2023




Para sa 2025 midterm polls, gustong gumamit ng Commission on Elections ng bagong makina.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mula sa Vote Counting Machines ang gusto na nilang gamitin ay Automated Election Machine.


Ayon kay Garcia, para sa 2025 ay hindi na nila puwedeng gamitin ang mga VCM dahil mga luma na ito at hindi na puwedeng i-refurbish... wala na umanong mga piyesa ito.


Ang ACM ay upgraded optical mark reader paper based automated election system with direct recording electronic capabilities.


Dalawang teknolohiya ito na pinagsama sa isang makina o hybrid machine.


Dahil bago na ang makina, babaguhin na rin ang paraan ng pagboto.


Kung dati ay kailangang i-shade ang hugis itlog sa tabi ng pangalan ng kandidato, sa bagong sistema ay stamping pen na ang gagamitin.


Sa wish list ng Comelec, dapat ang screen ng makina ay 12 inches o higit pa.


Kung dati ang trasmission ng resulta ay patungo sa Central at Transparency server, sa bagong teknolohiya ay send to all ito nang sabay sabay o mula sa electoral board patungo sa consolidation and canvassing system, Central Server, Majority Server,


Minority Server, Media Server, at Citizens' Arms.


Umaasa naman ang poll body na maaaprubahan ang pondo sakaling dumulog na sila sa Kongreso.


0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page