top of page
Search
BULGAR

Hirit na P5.024-T budget sa 2022, tiyaking ‘di masasayang o makokorup lang!

@Editorial | August 19, 2021



Kasabay ng sunud-sunod na pagbubulgar ng Commission on Audit (COA) sa umano’y sablay at kuwestiyunableng paggamit ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno, isinusulong naman ng kasalukuyang administrasyon ang panukalang P5.024 trilyong national budget sa susunod na taon.


Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, ito ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan, na ilalaan para sa COVID-19 response, social services sector, infrastructure development at iba pa.


Ang panukalang pondo para sa 2022 ay 11.5% na mas mataas kaysa sa P4.5-T expenditure program ngayong taon.


Kaugnay nito, iba’t ibang reaksiyon ang naglabasan, lalo na sa social media. May mga dudang magagamit nang maayos ang nasabing pondo, lalo na ngayon na nasasangkot sa kontrobersiya ang ilang ahensiya ng gobyerno — kulang-kulang ang dokumento, kuwestiyunable ang presyo ng kagamitan, may hindi nagamit na pera, at iba pang isyu.


Kaya ang pakiusap sa lahat ng nasa gobyerno, gawin sana nating maayos at malinaw ang paggastos sa pondo ng bayan, malaki man o maliit.


Kailangang busisiing maigi ang bawat sentimo at tama lang na bantay-sarado. Hindi naman ito nangangahulugang wala tayong tiwala sa lahat ng opisyal, bagama’t may mga insidente na talagang napupunta sa bulsa ng iilan ang pera na para sana sa taumbayan.


Napakahirap ng buhay ngayon, todo-kayod ang lahat, kaya huwag naman sanang masayang o manakaw ang kaban ng bayan na tulong para sa pagbangon ang bayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page