@Editorial | May 04, 2021
Pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukalang P24-billion wage subsidy program.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang nasabing panukalang-batas ay para mapreserba ang mga trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak din ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, na magiging prayoridad ang mga manggagawa ng private sector na napapaloob sa kanilang eight-point employment recovery agenda.
Layon nitong maprotektahan ang kasalukuyang trabaho sa bansa.
Sa nasabing panukala, makatatanggap ng P8,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan ang mga apektadong empleyado — mahigit 1 milyong manggagawa ang makikinabang.
Malaking tulong ito lalo’t hindi rin kayang suportahan ng mga employer ang kanilang mga empleyado dahil sa apektado rin sila at ang kanilang kumpanya ng pandemya. Marami na ang nalugi at nagsara, habang may iba na pilit pa ring nag-o-operate at umaasang unti-unting makakabawi.
Sa panahon ngayon, wala namang ibang magtutulungan kundi ang gobyerno at lahat ng mamamayan, dahil magkakaugnay tayo.
Comentários