top of page
Search
BULGAR

Hirit na extension sa estate tax amnesty, i-explain nang maayos

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 21, 2023


Nitong nakaraang linggo, dininig sa Senado ang panukala na i-extend ang estate tax amnesty na matatapos sa Hunyo 14, 2023.

Layunin ng panukalang ito na bigyan ng oportunidad ang mga hindi nakabayad sa oras ng estate tax dahil hindi sila pagbabayarin ng multa o interes.

Sakop ng panukalang-batas na ito ang mga hindi nabayarang estate tax noong 2017.

Bukod sa dagdag-kita sa gobyerno, layunin din ng panukalang-batas na gawing produktibo ang mga namanang ari-arian, partikular ang mga lupa.


☻☻☻


Nakakalungkot lamang dahil tila hindi naging handa ang mga dumalo sa aming pagdinig sa Senado at hindi naipaliwanag nang maayos kung bakit kailangang magkaroon ng extension.

Sa nasabing pagdinig, walang naipakitang pag-aaral kung ano ba ang makukuhang collection estimate kapag naisabatas ang estate tax amnesty extension.

Lalong nakakabahala na wala ring naipakitang datos sa mga estate tax collections noong mga nagdaang taon.


☻☻☻


Hindi tayo tutol sa pagkakaroon ng estate tax amnesty, lalo na kung makakatulong ito sa ating mga kababayan na ngayon pa lamang nakakabangon mula sa epekto ng pandemya.

Malaking tulong din ito sa mga kababayan natin sa ibang bansa na ayusin ang kanilang mga namanang ari-arian na matagal nang natengga dahil sa lockdown.

Ngunit hindi naman bara-bara lang ang pagsasabatas ng tax amnesty.

Kailangang mabigyan ang Senado ng sapat na dahilan kung nais talaga nating maisabatas ang extension na ito.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page