top of page
Search
BULGAR

Hirap nang huminga, tatakbo pang cong… NORA, PAAWA EPEK PARA MAKAKUHA NG BOTO

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 10, 2024



Showbiz News

Meanwhile, marami naman ang nagsasabing mukhang hindi na kumawala o nakawala si ate Guy o Nora Aunor sa showbiz image niyang ‘api-apihan’.


Sa ginawa kasi nitong pag-file ng COC para maging nominee ng isang party list ay halos makikita na rito ang hirap sa paglalakad, lalo na sa pagsasalita na kinakapos o hinahabol ang paghinga.


“Paano s’ya kakampanya ng ganyan? Magpapa-awa o pa-victim ba s’ya to get votes?,” sigaw ng isang netizen.


May mga bitchy comments pa ngang nagtatanong kung magkano raw kaya ang nakuhang down payment ng National Artist mula sa naturang grupo na kinuha siyang nominee? Knowing fully well umano na may reputation daw sa showbiz si Ate Guy na hindi basta-basta magpapagod o mag-tatrabaho ng walang ‘bayad’ o advance payment, pang-gas, pamadyak o iba pang termino na may kaugnayan umano sa datung.


Aguy naman!


 

“Nabudol ka,” kantiyaw sa amin ng mga malalapit na kaibigan ni Willie Revillame.

Naisulat kasi natin the day before the deadline for filing of the Certificate of Candidacy (COC) na hindi na nga tatakbo sa pulitika ang Wil to Win (WTW) host.


Pero bigla ngang nag-iba ang desisyon ni Kuya Wil dahil humabol siya nung last day, Oct 8. “Matagal at masusi kong pinag-isipan, pinag-aralan. Hindi nga alam ng pamilya ko,” bahagi pa ng interbyu ni Kuya Wil sa isang news program sa TV.


Ayon pa rin sa aming parehong sources, ‘dumating’ umano ang “sign” na ipinagdasal nito, kaya’t sa last minute ay nag-decide itong mag-file at tatakbo as an independent candidate sa pagka-Senador.


Ayon pa sa tsika, minabuti nitong maging independent kahit may mga major political parties na noon pa man ay humihikayat na sa kanya.


Kapwa raw nagpaabot ng mensahe si Kuya Wil sa taga-Malacanang at sa kampo ng mga Duterte na siya nga ay lalahok na sa pulitika. Hindi nabanggit sa mga report kung kinunsulta rin nito ang pamilya Villar na politically and business-wise identified sa kanya noon pa man.


 

“BAKA ang susunod na awards night ay sa Kongreso na gawin,” ang more or less ‘very naughty’ remark ni FDCP Chair Joey Reyes sa tila pagdami lalo ng mga artista, socmed (social media) celebrities-influencers, beauty queens and sports figures na lalahok sa eleksyon.


Sa nagsulputang mga party list nominees at iba pang umaambisyon maging Congressman, representatives, Senators etc., malamang sa malamang nga ay mapuno na ang mga halls ng gobyerno ng mga artista.


Imbes kasing mabawasan ang bilang nito in years ay halos nadoble ang bilang nito at tila nga naging kakambal na ng showbiz ang pulitika bilang mga career at hanapbuhay (magka-iba ba ito? Hahaha!) ng mga nandito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page