top of page
Search

Hirap na hirap dahil sa sakit… CARLA, NAKA-5 DOKTOR BAGO PUMAYAT NG 18 LBS.

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 23, 2024



Showbiz News

Nai-share ni Carla Abellana ang journey niya sa pagpapapayat na ang rason pala in her gaining weight ay dahil may hypothyroidism siya. 


Sa first part ng post ng aktres, nabanggit niya ang hirap sa pagkakaroon ng ganoong sakit at nabanggit pa ngang she was perimenopausal (malapit na ang menopause at 37 years old dahil sa kanyang sakit).


Five years mula nang ma-diagnose ang sakit, naka-limang doctors na siya at malaki na ang nagastos. Halos hindi na raw siya kumakain, she was starving herself, pero tumataba rin siya.


Until nadiskubre niya si Dr. Roland Angeles na sabi sa DP nito sa Instagram (IG) ay isang Internal Medicine sub specializes on Obesity Medicine or Medical Weight Loss Treatment at ito na ang nakatulong sa kanya.


Carla was put on a heavy diet, platito-sized meals at 100g lang ang puwede niyang kainin. Five months after seeing Dr. Angeles pa raw siya nagsimulang pumayat at masaya nitong ibinalitang she lost 18 lbs. na.


“It took 5 months for the ball to get rolling but boy, it was worth it. All the trips to his clinic, strict dieting, strong willpower, discipline, concoction of medication and perseverance. Dr. Angeles’ smile was back whenever I’d see him, but my smile has been much bigger,” pagse-share ni Carla ng kanyang journey.


Nagpasalamat din ang aktres sa The Aivee Clinic at sa treatment at wellness plan na kanyang ginagawa. Nag-post ng photos si Carla na payat na siya, kaya mas masaya at mas inspired siya to work.


Lalo na’t extended ng four weeks ang Widows’ War (WW) at may nagsabi pa ngang baka eight weeks ang maging extension ng murder mystery series ng GMA-7.


Marami pang taping days na gagawin ang cast at matagal pa ang bardagulan nila.

May pahabol na pasasalamat si Carla Abellana sa kanyang doctor, “I can’t thank you enough, Dr. Angeles. And pats on the back to myself too, for not giving up.”


 

AFTER Milan Fashion Week (MFW), se-segue rin si Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week (PWF) at ang magandang balita, hindi lang siya manonood, rarampa si Pia sa runway at siya ang first Filipina na rarampa sa L’Oreal’s Paris Fashion Week runway show na tinawag na “Le Défilé  Walk Your Worth”.


Today (Monday) ang schedule ng pagrampa ni Pia sa fashion show na gaganapin sa Place de l’Opera in Paris, France.


Heto pa, makakasama ni Pia na rarampa sa runway ang iba pang brand ambassadors ng L’Oreal na sina Kendall Jenner at Cara Delevingne.


Ang Le Défilé Walk Your Worth ay annual celebration daw ng L’Oreal Paris tungkol sa empowerment and diversity, tampok ang sisterhood ng mga ambassadors walking the runway.


Sa kanyang Instagram (IG), wala pang nababanggit si Pia tungkol sa pagrampa niya sa PFW. Busy pa siya sa MFW, pero nasa Facebook (FB) page na ng L’Oreal Paris ang pagrampa ni Pia Wurtzbach, kaya sunud-sunod ang pagko-congratulate sa kanya ng kanyang mga followers.


 

NAKUHA na ni Michelle Dee ang check na napanalunan niya sa A Voice For Change mula sa Miss Universe Philippines (MUP). Kasama si Jonas Gaffud, naibigay na nila sa Autism Society of the Philippines ang cheque for P684,000.00. Maaalalang nabanggit ni Michelle na hindi pa naibibigay sa kanya ang prize niya, kaya naibigay nang mabilis.


Sey ni Michelle, “It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin ‘yan #wmmm.


“This award will be allotted to the presented VFC project that adheres to one of the @unitednations 17 Sustainable Development Goals for Economic Empowerment for individuals on the autism spectrum.


“In other words, this award will be mainly focused on AP’s #AutismWorks program that aims to  provide full-time employment or opportunities to earn for our brothers and sisters who have autism. At the time of my VFC presentation we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially.”

Bongga!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page