top of page
Search
BULGAR

Hirap makatulog ulit ‘pag nagigising sa gabi

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 27, 2021





Dear Doc. Shane,


Sobrang hirap akong makatulog, masuwerte na ako kung makatulog ng tatlo hanggang apat na oras. Halos ganito ako araw-araw kaya pagdating sa office ay antok na antok ako. Minsan, gusto ko nang uminom ng sleeping pills o antihistamine para makatulog nang mahimbing pero ayokong maging habit o umasa lamang sa ganun. Ano ba ang dapat kong gawin? – Alyssa


Sagot

Ang madalas na dahilan ng hindi makatulog ay stress. Kapag humiga nang balisa o nababahala, hindi magiging mahimbing ang pagtulog at magigising sa hatinggabi.

Kailangang baguhin ang mga routine at adjustment ng ilang attitudes upang makatiyak na mahimbing na pagtulog.

Ang alam ng karamihan na ang magising sa hatinggabi ay masama. Kapag nangyari ito, nagpa-panic agad sila. Ang resulta, lalong hindi na muling makatutulog. Ayon sa pag-aaral, maling akala ito na kahit magising ng 60 hanggang 90 minutes ang isang tao sa gitna ng kanyang pagtulog, bahagi lamang ito ng normal sleep cycle basta walang nararamdamang kahit ano’ng sakit.

Sa buong maghapon, stressed tayo sa trabaho, kaya kailangang pabagalin ang kilos at pag-iisip upang ma-relax ang katawan bago matulog. Nakatutulong ang pagligo, pag-inom ng decaf na kape at napatunayang ang mahaba at malalim na paghinga mula sa tiyan ay nakaka-relax din. Padilimin ang ilaw sa kuwarto upang ipahiwatig sa katawan at sa utak na naghahanda na tayong matulog.

Mas malamang na dala ng mga babae sa pagtulog ang kanilang mga problema kaya mas hirap silang matulog ng mahimbing. Huwag isipin ang stress sa pagtulog at ipagpabukas ang mga problema.

Kung maaari, huwag buksan ang mga mata at huwag tumingin sa orasan kapag nagising sa hatinggabi dahil lalo itong nakaka-stress. Mag-deep breathing exercise at mag-concentrate sa mga bagay na nakaka-relax.

Pagkalipas ng 15 minuto kung hindi pa rin makatulog, lumipat ng kuwarto o higaan, ngunit iwasan ang maliwanag na mga ilaw upang hindi magising nang tuluyan.

Kung hindi pa rin makatulog, subukan ang mga gawaing nakare-relax tulad ng pakikinig sa mga mellow music o gawin muli ang mga pre-sleep routine. Huwag magpumilit na matulog at hintaying antukin bago mahiga. Hindi rin mainam ang pag-inom ng anumang pills para pampatulog.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page