ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 27, 2022

Bongga naman ni Herlene "Hipon Girl" Budol dahil siya lang naman ang kauna-unahang makikita sa first biggest 3D LED Billboard rito sa 'Pinas.
Makikita ang first biggest 3D LED billboard along EDSA kung saan ang naka-feature ay ang JAG’s newest Denim Queen and Bb. Pilipinas 1st Runner-up na si Herlene Budol.
Comment ng mga netizens…
"Wow! Bongga at siya ang first ad d'yan."
"Who would've thought na magiging face ng Jag si ka-Squammy Herlene?"
May nakaalala naman nu'ng nagkabanggaan sina Hipon Girl at ang Ms. Manila.
"Bongga ni Hipon! Walang sinabi 'yung nanlait sa kanyang Ms. Manila. Hahahaha!"
"Lol! Ms. Mla is a loser!"
Anyway, ang isyung 'yan ay ibinaon na ni Herlene sa limot.
Comments