top of page
Search
  • BULGAR

HIPON GIRL, 'DI PA KUMIKITA, MAY HOUSE AND LOT NA

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 18, 2022





Hanggang ngayon ay 'di pa rin makapaniwala ang ilang netizens na belong sa "Marites at Mosang community" na hindi pa man daw tapos ang sinalihang beauty contest ni Herlene "Hipon Girl" Budol na Bb. Pilipinas ay agad na itong niregaluhan ng kanyang business manager na si Wilbert Tolentino ng house & lot.


"Buhkeeeet?" ang tanong ng marami.

Eh, kung tama kami ng pagkakakilala kay Wilbert, dehins naman niya type ang beauty ni Hipon Girl dahil mas type niya ang "Hipon Boy", charot!


Pero kung 'yun ang trip ng business manager ni Hipon Girl, 'yung bigyan siya ng house and lot, wala na lang basagan ng trip at isipin na lang natin na naka-jackpot ng mabait at very generous na manager itong si Hipon Girl Budol.


But sa true lang, ngayon lang nangyari sa showbiz world 'yan 'coz ang kalakaran ay ang business manager pa dapat ang kumita sa kanyang talent thru komisyon.


Kaya harinawa, makasungkit itong si Hipon Girl ng beauty title sa 58th grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2022 na gaganapin this coming July 31 sa Smart Araneta Coliseum para makabawi naman si Wilbert.


Wish ko lang ma-invite ang byuti ni yours truly para ma-interview ko in person itong si Hipon Girl at ma-sight in flesh and blood kung talaga ngang oozing itey with sex appeal and pretty face.


Dahil halos lahat ng naging beauty queen noon ay naging close and "friendship" ng inyong lingkod.


'Yun na. Insert smiley, ☺!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page