ni Nitz Miralles @Bida | September 9, 2024
Tama ang mga netizens, nadadamay sa fake news ng hiwalayan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang mga taong close sa kanila, kabilang na ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na itinurong sanhi raw ng hiwalayan ng mag-asawa.
Napa-comment na rin ang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega sa post ni Erwan na ipinaliwanag kung bakit hindi sila mahilig mag-post ni Anne ng tungkol sa kanilang dalawa.
Comment ni Jeff, “So not you to even do this.”
May mga nag-agree kay Jeff, pero mas marami ang naniwalang tama lang na mag-react/comment si Erwan.
Ang ganda ng sinabi ng isang netizen na, “He has to. If you ever need to protect someone or something, you’d do the same.”
Ito rin ang paniwala ng isa pang netizen, kailangang magsalita ni Erwan dahil may mga nadadamay na mahal at kapamilya nila. Bilang head of their family, natural lang na siya ang mag-address sa nonsense issue na ito.
Kudos, Erwan Heussaff!
IN capital letters ang caption ni Carla Abellana na, “I AM ENRAGED” sa video ng katayan ng mga aso sa La Trinidad, Benguet.
Sinundan pa ng comment nito na, “Bakit napaka-barbaric ninyo d’yan?”
Pati followers ni Carla sa Instagram (IG) ay nagalit din sa walang pakundangan na katayan ng mga aso sa nasabing lugar.
Mabuti at nakunan ng video at ipinalabas sa news ng GMA Network. Sana ay magawan ng paraan para matigil na. Nagkakaisa ang mga netizens na dapat mahuli at maparusahan ang mga nagkatay ng mga aso sa La Trinidad dahil baka ulitin pa nila ito.
Animal lover si Carla. May mga fur babies siya na mahal na mahal niya at tumutulong siya sa kampanya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) upang matigil ang pagkatay sa mga aso.
Tumutulong din siya sa feeding programs ng stray animals, pati sa kanilang hospital and medicine needs, kaya’t natural na magalit ang aktres sa mga ganitong gawain.
Samantala, mula nang makalabas ng hospital, tuluy-tuloy na naman ang taping ni Carla para sa Widows’ War (WW) at alam mong galing siya sa sakit. May mga eksena kasing medyo malat pa ang boses niya, pero pagdating sa acting, all-out siya.
Natuwa ang mga viewers ng nasabing series sa eksena nila ni Jean Garcia na napanood noong Biyernes. Hindi nagpatalo si Carla kay Jean, swak na swak ang sagot niyang, “Di ‘wag mong tingnan,” sa sinabi ni Aurora (Jean) na ayaw niyang makita si George (Carla).
Iba ang kasama, 'di si Kobe…
KYLINE, RUMAMPA SA NEW YORK FASHION WEEK
MAY resibo si Kyline Alcantara sa pagrampa niya sa New York Fashion Week (NYFW) noong September 7. Ipinost ng Sparkle GMA Artist Center ang reels ng pagrampa ng Kapuso actress. Kaya sa mga magsasabing fake news ang pagrampa ng aktres, may video kayong mapapanood.
Sa Instagram (IG) Stories pa lang ni Kyline ipinost ang reels, kaya wala pang masyadong reaksiyon ang kanyang mga fans.
Mapapanood sa video na cool at mukha namang hindi kinabahan ang aktres sa first time niyang pagrampa sa international runway at mataas pa ang sapatos na suot.
May isa pang bahagi ng reels na magkasama sila ni Michelle Dee na rumampa rin sa runway at inirampa nila ang creation ng fashion designer na si Chris Nick.
Samantala, nakabalik na si Kyline mula sa New York dahil nabanggit na nandito siya sa premiere ng Shining Inheritance (SI) ngayong araw (September 9).
Siguradong maiinterbyu siya at matatanong tungkol sa kanyang experience sa pagrampa sa NYFW.
Well, hinahanap pala ng mga fans ni Kyline si Kobe Paras na kasama niya sa New York. Bakit daw wala ito sa fashion show? Sa dami ng nanood, mahirap makita kung present ba si Kobe upang suportahan si Kyline. Puwede ring baka nag-pass muna si Kobe sa panonood at baka hindi interesado sa fashion show.
INILABAS ni Heart Evangelista ang kanyang pagiging singer nang kumanta siya sa birthday party ng stepchildren niya, ang kambal na anak ng asawang si Senate President Chiz Escudero. Tuwang-tuwa ang mga fans ni Heart na mapanood siyang muling kumakanta at todo-emote pa nga ito.
Pinuri si Heart dahil parang tunay na mga anak daw ang turing niya sa kambal na sina Chesi at Quino na sa kanya na lumaki. Kaya naman kahit wala pa silang anak ni Chiz, very motherly na si Heart sa dalawang bagets.
Present siya sa dance recital ni Chesi at very proud siya sa husay sumayaw ng dalaga nila ni Chiz.
Good vibes ang mga comments sa post ni Heart sa birthday party ng kambal. Nakakapanibago na walang nag-aaway na mga fans nina Heart at Pia Wurtzbach. Wish ng ibang neutral fans, sana laging ganito ang IG nina Heart at Pia.
Commenti