top of page
Search
BULGAR

Hipag daw ang kabit… JASMINE, NAGSALITA NA SA PAGIGING THIRD PARTY SA HIWALAYANG ANNE-ERWAN

ni Nitz Miralles @Bida  | September 6, 2024



Showbiz News

Ang sagot ni Jasmine Curtis-Smith ay “super fake” sa comment ng isang fan na sana, fake ang hiwalayan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.


Kasama si Jasmine sa isyu dahil sa fake news na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng kapatid niya at ni Erwan.


Sa nag-comment pa na never magiging kabit si Cristy (name ng karakter ni Jasmine sa Asawa ng Asawa Ko), ang sagot nito, “Mygasssshhh, what for? Ayaw nating tularan si Shaira.”


Ang Shaira naman na tinutukoy ni Jasmine ay ang karakter ni Liezel Lopez sa Asawa ng Asawa Ko (ANAK) na laging nakakalaban ni Cristy dahil kay Jordan (Rayver Cruz) sa nasabi pa ring hit series ng GMA-7.


Nakakatuwa si Jasmine dahil sa halip na mapikon sa fake news na siya diumano ang rason ng break-up ng marriage nina Anne at Erwan, sumagot siya sa karakter ni Cristy sa tinatampukang series. 


Sa nabanggit na mang-aagaw siya ng asawa, ang sagot ni Jasmine, “Girl, gulung-gulo na me kay Shaira, Jordan at Leon. Dadagdagan pa talaga ‘to. Don’t me, please. Busy ako. Hahaha!”


Marami ang nagmamahal kay Jasmine, kaya nagpasalamat sila na hindi totoo ang tsika sa kanila ni Erwan. Hindi yata aware ang pasimuno sa fake news na matagal nang live-in sina Jasmine at boyfriend nitong si Jeff Ortega. 


Inamin ni Jasmine Curtis-Smith na matagal na ang pset-up nila ni Jeff bago pa ang fake news sa kanila ni Erwan Heussaff. 


Obviously, hindi ito alam ng nagpakalat ng fake news.


 

ANG comment ni Dingdong Dantes ay “Rakenroll! Marian Rivera,” sa announcement ng GMA Pictures na magkakaroon ng nationwide showing ang Balota, ang Cinemalaya film na pinagbidahan ng wifey niyang si Marian.

Ini-announce kasi na, “Due to insistent public demand, Balota is opening in cinemas nationwide on October 16! Witness the Cinemalaya 2024 box office hit starring Best Actress award Marian Rivera in a new cut.”


Marami ang nag-request na ipalabas ang nasabing pelikula sa mas marami at mas malalapit na cinemas, at heto na nga. Mapapanood na at masasagot na ang mga tanong kung bakit nanalong Best Actress sa Cinemalaya 2024 si Marian.


May mga teachers na nag-react sa balitang ito, kasama raw sila sa manonood ng Balota at nagpasalamat sa pelikula at kay Marian. Mapapanood na raw ang mga paghihirap at pinagdaraanan nilang risks tuwing eleksiyon. Right timing din daw ang showing nito dahil sa gaganaping midterm election next year.


Samantala, winelkam nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang September sa isang dance patikim sa reels. May mga bumati na sa mag-asawa ng Merry Christmas, patunay na malapit na ang Pasko at isama na rin ang Bagong Taon.


 


NAGKAPIRMAHAN ng kontrata ang Columbia Pictures at GMA Pictures para sa distribution rights ng 2024 MMFF entry ng GMA Pictures na Green Bones (GB). Present sa contract signing ang mga bida ng nasabing pelikula na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.


Kasisimula pa lang ng shooting ng GB sa direksiyon ni Zig Dulay, heto at may magandang balita agad na idi-distribute ito ng Columbia Pictures. Ibig sabihin nito, may English subtitle ang movie kung ganyang idi-distribute pati yata sa ibang bansa.


Pang-second international project ito ni Dennis ‘pag nagkataon dahil ‘yung Severino na kanya ring pagbibidahan ay international series daw. So, hindi lang sa Pilipinas ang airing, pati sa ibang bansa.


And speaking of Dennis, napuri na naman ang husay niya sa pagganap bilang ruthless na si Col. Yuta Saitoh sa Pulang Araw (PA). Ang husay niya sa role ng malupit na opisyal ng Japanese army at pati pagde-deliver ng kanyang Japanese lines. Bongga, ‘di ba?


 

Habang nasa New York sila ni Kiko…

SHARON, GUSTONG BUMILI NG MGA BUILDINGS


Sharon Cuneta Instagram

NAG-E-ENJOY sa New York (NY) sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, lalo’t kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Sey ni Sharon sa isang post, “Missing home, but just SOOO HAPPY being with Kiko and our kids!!!”


Binati rin ni Sharon si Miel sa birthday nito noong September 2. 

“My bunso baby girl turned 20! Happy Birthday, my Yellie!!! I love you so much and am so proud of the woman you’ve become!”


Sa isang video at photos, makikita sina Sharon at Kiko na nakatalikod, naglalakad na magka-holding hands at magkayakap. Ayon kay Sharon, paborito ng mga anak nila ni Kiko na kunan sila ng stolen shots.


“This is me and Kiko when I’m happy-wanting to buy buildings but without the money to be able to!!!” ang caption sa post ni Sharon Cuneta.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page