ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 7, 2025
May mga naka-relate sa post ni Ai Ai delas Alas sa Instagram na, “Done and single ERA 2025” dahil katulad ni Ai Ai, single na rin sila.
Sa nag-comment na, “You will find peace and somebody that other ‘piece’ will eventually show up,” may sagot si Ai Ai na, “Yes! Alam ko naman meron, dating s’ya after 2 years, Hehehe!”
Sa nagtanong kay Ai Ai kung sino ang kanyang fairy godmother na nagsabing may bagong darating sa buhay niya after two years, sagot ni Ai Ai, “Sabi lang ng mga reader at manghuhula, kaya hintay lang ako. Hahaha!”
Ibig sabihin nito, may darating pa sa buhay ni Ai Ai, kaya lang, after two years pa at kasama tayo sa mga maghihintay sa pagdating ng bagong pag-ibig sa buhay niya.
Sa ngayon, hayaan muna nating mag-heal at mag-move on si Ai Ai at sana, dumating ang time na sa mga interviews sa kanya, hindi na siya maririnig na magko-comment ng, “May pinagdaraanan ako.”
Waiting din tayo sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA Network at sa mga bago niyang projects. Nabanggit nito dati na gagawa siya ng teleserye na nami-miss na niyang gawin.
Si David Licauco ang inakusahang dahilan ng breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto at ‘yung, “Chill lang” caption niya sa isa niyang post sa Instagram ay binigyan ng ibang meaning.
Chill daw talaga si David dahil nakaagaw, na inalmahan ng mga fans ng aktor. Wala raw inagaw si David at wala ring nagpaagaw. Kaya raw chill si David ay dahil malinis ang kunsensiya niya at wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng JakBie.
Ang mga ganitong usapan na inagaw ni David si Barbie kay Jak at nagpaagaw naman si Barbie ay hindi matitigil hangga’t hindi sinasabi nina Barbie at Jak ang dahilan ng kanilang breakup.
On the other hand, prerogative ng dalawa kung hindi na i-share sa publiko ang rason ng kanilang breakup, kaya pare-pareho nating hindi alam ang dahilan.
Samantala, mabuti pala at tapos na ang Pulang Araw (PA) dahil kung nagkataong airing pa ang series at nagte-taping pa ang cast, ang awkward kina Barbie at Sanya Lopez.
Kahit sabihin pang trabaho ‘yun, hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng ilangan ang dalawang aktres. Imagine, katrabaho mo ang ex ng brother mo at tiyak naman na alam ni Sanya kung bakit nag-break sina Jak at Barbie.
Sana, hindi rin magkailangan sina Sanya at David dahil magkakasama sila sa pelikulang Barkadahan Ng Makasalanan (BNM), ang collab movie ng GMA Pictures at film company ni Chavit Singson. Walang rason para sila’y magkailangan, pero kahit papaano, mangyayari ‘yun.
Sa February 12, 2025 na ang playdate ng My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na tampok sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Excited na ang KimPau fans at ramdam ang excitement nila dahil ‘yung trailer pa lang, thousands na ang nag-comment. Sa Instagram (IG) pa lang ni Kim ito.
May nagsabi nang magiging blockbuster ang Star Cinema movie dahil trailer pa lang, nakakakilig na. Ang unang eksena pa lang ng mga karakter nina Kim at Paulo, tila muntik nang maghalikan, kaya tuwang-tuwa ang mga fans. Nai-imagine na namin ang eksena sa loob ng sinehan kapag ipinalabas na ang pelikula.
Hindi lang maiwasan na magbardagulan ang mga fans nina Paulo at Janine Gutierrez. Ipagdasal daw ng mga fans ni Paulo na maging blockbuster ang movie para worth it ang pang-iwan ni Paulo kay Janine.
Hindi ba, sabi ng fans, hindi naman naging sina Janine at Paulo?
Anyway, umalma ang mga fans ni Paulo sa sinabing ‘yun ng mga fans ni Janine at ang payo nila, mag-move on dahil may Jericho Rosales na si Janine.
Ang payo naman ng isang fan sa mga kapwa KimPau fans, mag-focus sila sa promo ng movie at magtulung-tulong to make the movie a big hit.
Comments