top of page
Search
  • BULGAR

Hintayin daw siya next year… SUNSHINE, GUSTO NANG SUMUNOD SA TATAY AT MISTER NA NAMATAY SA B-DAY NIYA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 25, 2024



Showbiz news

Grabe ang pagsubok na nararanasan ngayon ng Vivamax star na si Sunshine Guimary dahil sa mismong araw ng kanyang kaarawan nu’ng Sabado (Hunyo 22), last night naman ng wake ng kanyang namayapang asawa.


Kung ibabase sa Instagram Stories ni Sunshine 16 hours ago ay inilibing ang asawa niya sa Manila Memorial Park.


Ipinost ni Sunshine ang hawak na cake at saka hinipan ang kandila habang nasa harap siya ng kabaong ng asawa.


Ang caption niya: “12 months ago si papa ang inilibing ko, ngayon ikaw asawa ko at itinataon n’yo pa sa birthday ko. Bakit? Durog na durog na pati kaluluwa ko, ang sakit-sakit na. Sa susunod kong birthday, antayin n’yo 'ko.”


Hindi naman siguro premonition ang sinabing ito ng aktres-vlogger.


Dagdag pa niya, “Inaantay ka ni Papa, baby ko. Maglakbay muna kayo sa walang hanggan, antayin n’yo ako. Kayo ang buhay ko, mami-miss ko kayo sa araw-araw, paggising ko, mami-miss ko luto mo, babe, halakhak mo, mga kuwela mong jokes, boses at ‘pag nag-alala ka sa 'kin. Salamat sa pagmamahal mo sa 'min, mahal na mahal kita, eh. Hug mo ‘ko kay Papa.” 


Samantala, ang isa pang IG Stories post ni Sunshine na nakatingin sa mukha ng asawa, “Hindi na kita makikita, mahahagkan, paggising, pagtulog, kakain nang sabay hindi complete ang araw 'pag wala ang chat mo (emoji sad face).”


At sa araw ng libing ay pinasalamatan ni Sunshine ang lahat ng nakipaglibing na pamilya ng asawa.


“Sa magulang, kapatid, tiyahin, pinsan at mga kaibigan ng asawa ko, taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo, maraming salamat po sa lahat. Mahal ko kayo.”


 

Sobrang saya at proud mama si Cherry Pie Picache sa pagtatapos ng nag-iisang anak na si Antonio ‘Nio’ Tria nitong Linggo sa Ateneo de Manila University ng kursong Legal Management.


Base sa mga larawan at video na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ay present din ang papa ng kanyang anak na si Ginoong Gerry Tria o mas kilala bilang si Gary.


Ang mahabang caption ni Cherry Pie, “Yahoo!!!! (emojis praying hands, happy face, heart) Congratulations anak!!! Husay mo!!!!


“Graduate!!! Bachelor of Science in Legal Management!!! Grabe!!! Ang sarap-sarap sabihin at ang sarap-sarap sa puso. I must have done something good to be blessed with a son like you. A student-athlete since prep. Difficult. Remember anak? Lots of homework, late nights.

Nevertheless, excelled in both. Though more importantly, you never cease to amaze me every day as I continue to witness you grow into a human being who is kind, committed, empathetic, patient, stubborn in the right places, loving and God-fearing.”


Pahayag pa ng aktres, “Maraming-maraming salamat anak!!! Truly I am thankful, grateful and a blessed mother. Continue to soar high into the real world my love and please know that Inay will always be, always be behind you all the way!!! To the moon and back and back again.


“Ateneo de Manila, and all his angels on earth, forever grateful for the Tennis scholarship, care, lessons and values you have blessed my son with. #AMDG #WeprayMamaMary #constantlytrue #Mamalook #Thankyouma #rockenroll.”


Well, maraming taga-showbiz ang bumati kay Nio at sa inay nitong si Cherry Pie.

Congratulations, proud mom and Nio!


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page