top of page
Search
  • BULGAR

Hinihiritan ng Day 3, suko na… BINI, SINASAGAD DAW SA CONCERT, PUMALAG

ni Beth Gelena @Bulgary| September 3, 2024



Showbiz News

Gustong dagdagan ng isang araw pa ang concert ng BINI na dapat ay 2 araw lang. 

Sa video, makikita ang reaksiyon ng mga fans nang i-announce na may isa pang araw ang concert, ang BINIVERSE na magaganap sa Nobyembre 16 at 17. 


Ang BINI ay kilala bilang the Nation’s Girl Group, katulad ng P-Pop Kings na SB19. 

Kamakailan lang ay nasa South Korea ang dalawang grupo para tumanggap ng Voices of Asia Award mula sa Billboard Korea. 


Dahil sa hiling ng mga fans, nagdesisyon ang kanilang management na magdagdag ng isang araw pa, Nobyembre 18.


Samantala, hindi ito nagustuhan ng mga fans ng BINI. Ayon sa Blooms, hindi na ito kinakailangan dahil gusto nilang magpahinga ang kanilang mga idolo. 


Anila, ang 2-araw na concert ay nakakapagod na. Sabi pa nila, ang pangatlong araw ay puwedeng ilipat sa ibang araw. 


Isang netizen ang nag-share ng video sa X (dating Twitter) account kung saan makikita ang reaksiyon ng BINI nang may sumigaw na “Day 3.” 


Si BINI Colet na hindi kumbinsido ay gumawa ng gesture na parang pinutol ang leeg niya. Sa susunod na video, si BINI Sheen ay nagsabing, “No,” habang si BINI Jhoana ay nagsabi ng, “Kayo na lang.” 


Isa namang fan ang nagsabi ng “greed,” samantalang ang ibang fans ay tumawag sa management ng BINI na hayaan ang mga babae na magpahinga. 

Sey nila, “‘Wag n’yo naman pong sagarin ang BINI, parang awa naman po.”


 

Babu na sa pa-sexy… 

AJ, GUSTONG MAGING ROLE MODEL



NAINTERBYU ni Julius Babao sa kanyang YouTube (YT) channel si AJ Raval kung saan ibinahagi ng sexy actress ang kanyang career at love life. 

Ayon kay AJ, gusto na niyang mag-move beyond sexy roles.

“Lahat ng tao, kayang magbago,” aniya. 


AJ Raval

Mas nakilala si AJ dahil sa kanyang mga roles sa Vivamax na kilala sa paggawa ng lustful movies. Pero nang ilantad niya sa publiko ang relasyon nila ni Aljur Abrenica, nagbago ang pananaw ng mga tao hinggil sa kanyang sexy image. 


Kamakailan, naging less active sa showbiz si AJ. Ayon sa kanya, hindi naman daw niya tuluyang tinalikuran ang showbiz career. 


Sey niya, “Actually, kakagaling ko lang sa Viva, marami na rin kaming plans this year.”

Nang mag-lie-low siya sa showbiz, ang pinakamalaking achievement niya ay ang pagtatapos ng kanyang high school education. 


“Nagpo-focus ako ngayon sa self-improvement. Parang gusto kong gamitin ‘yung career ko, ‘yung influence ko in a good way,” aniya pa. 


Nang matanong siya tungkol sa kanyang past as a sexy star. 

“Madaming nakakilala sa ‘kin bilang ‘sexy star.’ Ang gusto kong i-promote sa sarili ko ay ‘yung change. Lahat ng tao, kayang magbago,” paliwanag ng anak ni Jeric Raval. 


Ang kanyang goal ay ipakita sa mga tao na kaya niyang mag-evolve at mag-improve. 

Aniya, “Hindi kasi puwedeng wala kang goal, dapat may goal ka, ipakita mo sa mga tao na maayos ka.” 


Dagdag pa niya, “Madami, eh, pero don’t get me wrong. Siyempre, love ko ‘yung mga boss ko. Pero ‘di kasi para sa ‘kin talaga.


“Lumalaki kasi tayo, sa totoo lang, nakakalimutan natin kung sino tayo.” 


Hinggil naman sa relasyon nila ni Aljur, kinlaro niya ang detalye ng kanilang kuwento.

“‘Yung totoo nu’n, hiwalay na talaga sila ng ilang… may one year na rin ‘ata. Nakasama ko si Aljur sa shooting, technically, single s’ya. 


“But siyempre, hindi iniisip ng mga tao na single s’ya kasi married pero single talaga siya nu’n. Tapos nagkakilala kami ru’n, du’n na nag-start ‘yung ligawan,” pahayag niya.

Patuloy ni AJ, “Kinausap n’ya ‘yung parents ko and then that time, ka-video call n’ya ‘yung wife n’ya and okay naman. Parang ‘Hi, pasensiya ka na.’”  


Samantala, gusto niyang magamit ang kanyang influence positively, marking a new chapter in her life and career. Gusto niyang maging positive role model. 

“Gusto kong gayahin nila ‘yung paano ka, improvement mo, health, exercise, workout, quality time sa family,” pagtatapos ni AJ Raval.


 

IBINIDA ang first collection ng Miss U 2022 na si R’Bonney Gabriel sa Bench Fashion Week (BFW) kamakailan. Dalawang buwan ang ginugol ng beauty queen para matapos ang kanyang mga disenyo. “The collection is called ‘How to Survive on Land and Sea’, so I’m mixing swimwear elements and beachwear together, kind of balancing the two contrasting elements,” paliwanag niya. 


“I got my shells from Siargao. Some of them are from Bench or the ukay-ukay, and I upcycled them. It’s all really sourced here in the Philippines since I’m here now,” dagdag pa ni R’Bonney.


Ang mga beauty queens na sina Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024 Bea Gomez, Miss Universe 2021 Top 5 finalist Gazini Ganados, at Miss Universe Philippines 2019 ay kabilang sa mga modelo para sa koleksiyon ni R’Bonney. 

Naghiyawan ang audience nang rumampa siya at nakatanggap ng bouquet of flowers mula sa Bench founder na si Ben Chan. 


“My heart is overflowing. I feel the love, everyone is so excited. There’s no better place to do this than here in the Philippines. 

“I’m so thankful to Bench; they really provided a lot, a great opportunity I couldn’t pass up,” ani R’Bonney. 


Nasa audience ang mga magulang niya upang suportahan siya. Proud sila sa kanilang anak na minahal ang mga kultura ng bansa. 


Sey pa ni R’Bonney Gabriel, “It came with a whole new challenge because I didn’t know anyone here. But I loved it. I was going around on Angkas, going to ukay-ukay, working in the factory. I love the whole challenge of figuring out how to start from scratch.


“[I've] been working on it, but this is my first fashion show in about six years and my first fashion show in the Philippines, so I'm thankful for the opportunity. I love it!”

Bongga!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page