ni Jasmin Joy Evangelista | September 9, 2021
Mariing pinabulaanan ng Gentle Hands Inc., ang ahensiyang nagma-manage sa orphanage sa Quezon City kung saan napabalita ang pagpopositibo sa COVID-19 ng 99 kabataan, na may bumisitang asymptomatic sa kanilang pasilidad na siyang nagdulot ng outbreak.
"It is not true that an asymptomatic visitor spread the virus because we have not received any visitors at all, due to the fact that some of the children are immunocompromised and we have prohibited non-members of the staff from going inside the facility," ani Charity Graff, executive director ng Gentle Hands Inc. sa isang pahayag.
"While it is true that several individuals have tested positive in our facility, the source of the infection is still being traced," dagdag niya.
Sinabi ni Graff na binigyang-aksiyon na ang mga pasyenteng nakararanas ng sintomas at siniguro sa publiko na walang pasyenteng nakararanas ng respiratory distress.
Dagdag pa niya, ayaw nilang kumalat ang maling impormasyon na sa isang bisita nagmula ang hawahan ng Covid dahil na-maintain umano nila ang pagsunod sa strict health protocols “beyond the minimum” upang mapangalagaan ang kanilang mga staff at mga kabataan sa loob nito.
Sila raw ay 540 days nang naka-quarantine at walang naglalabas-masok sa pasilidad bago pa bakunahan ang kanilang mga staff noong Agosto 2021.
"In the discussion with the Quezon City Government, we were directed not to disclose the situation publicly, and we have faithfully complied with this directive. However, recent inaccurate news, made without verification with us, have left us no choice but to publicly clarify matters. We are very concerned because we are a child caring agency and we have exerted all efforts to protect the privacy of our children," ayon sa ahensiya.
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagbalita ngayong Huwebes ng umaga na kabilang sa 122 na mga nagpositibo sa COVID-19 ang 99 kabataan sa Great Hands.
Sa press release din ng QC government nagmula ang pahayag ni Dr. Rolando Cruz, City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief, na isang asymptomatic umanong bisita ng pasilidad ang pinagmulan ng Covid outbreak.
Commentaires