top of page
Search
BULGAR

Hindi regular na pag-inom ng gamot ng mga diabetic...

Maaaring mauwi sa Peripheral Arterial Disease (PAD)

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 26, 2020



Dear Doc. Shane,


Ang nanay ko na 57 years old ay diabetic at may gamot na iniinom, subalit hindi ito regular. Kapag kapos sa pera ay wala siyang maintenance at hindi rin regular ang checkup niya sa doktor. Madalas niyang iniinda ang kanyang mga binti, nanlalamig at parang manhid daw. May kaugnayan ba ‘yun sa diabetes niya? – Lita


Sagot


Ang mga ugat (daluyan ng dugo) sa paa ay puwedeng mabarahan ng taba kung may diabetes. Dahil dito ay kumikipot ang mga ugat at nagiging kulang ang daloy ng dugo sa mga paa at binti kaya ito ay sumasakit. Ang tawag dito ay Peripheral Arterial Disease (PAD). Kapag kulang ang dugong dumadaloy sa mga paa at binti ay kulang din ang oxygen na nakakarating sa mga muscles.


Narito ang mga sintomas ng may Peripheral Arterial Disease:

  • Masakit ang mga binti kapag naglalakad

  • Namumulikat o madaling mapagod ang mga binti sa paglalakad

  • Namamanhid o nanlalamig ang mga paa o binti

  • Matagal maghilom ang mga sugat sa paa

  • Nanunuyo at nagbabalat ang mga paa o cracked ang balat sa paa

  • Masakit ang mga daliri ng mga paa kahit nakapahinga


Isa sa bawat tatlong tao edad 50 pataas na may diabetes ay may PAD. Puwedeng sukatin ng doktor ang blood pressure sa mga binti at ikumpara ito sa blood pressure sa mga braso.


Kung mas mababa ang blood pressure sa mga binti kumpara sa braso ay puwedeng may PAD. Ibig sabihin, mas kaunti ang dumadaloy na dugo sa binti. Kung may PAD din ay tumataas ang peligro na atakihin sa puso, ma-stroke o maputulan ng paa.


Kailangan ng pasyenteng diabetic ang regular na konsultasyon sa kanyang doktor at regular na pag-inom ng kanyang mga gamot para dito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page