top of page
Search
BULGAR

Hindi pagpapasakay sa jeep ng mga ‘di bakuna, diskriminasyon

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 15, 2021



Jeep ang isa sa mga sinasakyan ng mahihirap nating mga kababayan. At kamakailan, may suhestiyon ang OCTA Research Group na ilimita lang sa mga fully vaccinated ang mga mananakay sa jeep.


Katwiran ng OCTA, nasa 96% na ng populasyon sa Metro Manila ang nabakunahan.


Kung hindi man fully vaccinated, may tig-one dose na ng bakuna.


Medyo napataas tayo ng kilay sa panukalang ‘to ng OCTA, at kumakatig tayo sa katwiran ng samahan ng mga tsuper na diskriminasyon ito sa pagitan ng mga hindi pa bakunado nating mga kababayan. ‘Di bah?!


Saka, tila lutang sa ere ang pag-iisip ng OCTA kung paanong sistema sa pagpapasakay ng fully vaccinated na mga pasahero. Eh, ‘di ba nga, namimik-ap ng pasahero ang mga jeep? Ibig bang sabihin kapag may pasahero, bago pasakayin ay aaksayahin pa nga mga tsuper ang kanilang oras sa pagtatanong, kung bakunado o hindi? Ano ‘yun? Ubos oras, malaking abala, baka menos kita pa! Ano bah!


O, kung may mga sakay na sa mga terminal ng jeep kung walang barker, ipapasa-pasa sa mga nakaupong pasahero ang kanilang vaccination card? Hello! Naku, ha, nakakatakot ‘yan, eh, kung may sakit ang hahawak sa vax card mo?


Ikatlo, paano ninyo gagawan ng paraan ang mga pasaherong mahihirap na makapunta sa kanilang destinasyon kung wala pa silang bakuna? Aber? Mabuti sana kung 100% na nga lahat bakunado na! Ano ba namang klaseng mga naiisip na rekomendasyon ‘yan! Santisima!


Nakagawa na nga ng diskriminasyon, wala pang konsiderasyon sa mahihirap na mananakay na jeep lang ang masasakyan. Magpa-Pasko pa naman, paano na sila mamamalengke, mamamasko, at papasok sa trabaho?


IMEEsolusyon, ‘wag nang ipatupad ang kalokohang ‘yan, sa halip, ang palakasin muna at pabilisin ng husto ang vaccination drive ng ating pamahalaan, para maabot na ang target na mabakunahan lahat ng mga Pilipino.


Kapag bakunado na ang lahat, hindi na kailangan ang mga nakakapanakit pa ng damdamin na diskriminasyon sa mahihirap na mga Pinoy. Agree?



0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page