top of page
Search
BULGAR

Hindi man pinalad sa ‘Pinas… BABAE, NGAYONG TAON MATUTULOY SA DUBAI

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | July 28, 2024


Kapalaran ayon sa palad

 


KATANUNGAN


  1. Isa akong OFW dati sa Hong Kong. Natapos na ang kontrata ko kaya naman napauwi ako. Sa ngayon, balak ko sanang mag-apply sa Dubai bilang domestic helper.

  2. Mula nang magka-pandemic, nabakante na ako kaya naman naubos din ang naipon ko. Maestro, makakaalis pa kaya ako?

  3. Bukod sa naubos na ang mga ipon ko, baon pa kami sa utang. Ang trabaho ng asawa ko ay karpintero, pero ‘di naman sapat ang kinikita niya para sa pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan namin.

  4. Sa palagay n’yo, may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin? May chance pa rin kaya ako na makaalis patungong abroad kahit na medyo may edad na ako ngayon?  


KASAGUTAN 


  1. Kusang huminto at tila hindi na magpapatuloy ang matayog mong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Subalit ang nakakatawa, matapos na huminto ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line, (arrow a.) muling sumulpot ang malinaw at makapal na Fate Line (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na tulad ng nasabi na, matapos kang mawalan ng trabaho dahil sa pandemic, tiyak ang magaganap, muli kang makakahanap ng bagong trabaho na magreresulta upang tuluyang umunlad ang iyong creer  bilang isang domestic helper na madaling pinatunayan ng  malinaw at malawak na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa ikalawang pagkakataon, mas papalarin at sasagana ang pangingibang-bansa mo sa Dubai. Ang pag-aanalisang tuluyan kang makaka-recover sa nakaraang pangit na kapalaran ay madali ring kinumpirma ng gumanda at naayos sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong lagda.

  3. Tanda na sa edad mong 39 pataas, muling uunlad at lalago ang inyong kabuhayan, dahil sa napipintong ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang-bansa.

 

MGA DAPAT GAWIN


Habang ayon sa iyong mga datos, Maricar, ‘wag kang malungkot at mag-alala. Sa halip, lakasan mo ang iyong loob at magdiwang ka dahil tiyak ang magaganap ngayong 2024, muli kang makakapag-abroad, at ito ay magaganap sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, higit na mas uunlad at sasagana ang ikalawa mong pangingibang-bansa. Ito rin ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page