top of page
Search

Hindi lang si Daniel JULIA, LIZA AT GILLIAN, IN-UNFOLLOW DIN NI KATHRYN

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | January 12, 2024



Photo : KathDen Fb page

Akala ng mga fans, in good terms na ang mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, dahil sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda, nai-video pang nag-uusap ang dalawa. 


Well, civil na lang siguro sila sa isa't isa.


Napansin kasi ng mga netizens na mula nang mag-break ang dalawa, naka-unfollow na pala si Kath sa Instagram ni Daniel.


Pero si DJ, naka-follow pa rin naman daw sa ex-GF. 


Tanggap naman na ng mga fans nila ang mga nangyari. Hindi lang maintindihan ng mga ito kung bakit bukod kay Daniel, in-unfollow din ni Kathryn sina Liza Soberano, Julia Barretto at Gillian Vicencio.


Okay lang daw si Gillian dahil na-link ito kay Daniel at kumalat pa ngang third party ng hiwalayan ng aktor at ni Kathryn.


Pero takang-taka sila kung bakit pati sina Liza at Julia ay in-unfollow nga rin ng aktres.


Teka, may balita kaming marami pa raw celebrities ang ia-unfollow ni Kathryn sa mga susunod na araw. 


Hmmm sinu-sino naman kaya ang mga ito?

Abangers na lang po tayo. 


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page