Hindi lang bill sa mamahaling ospital… PBBM, BINAYARAN DIN LAHAT NG UTANG NI NORA
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 28, 2025
Photo: Bongbong Marcos - Circulated
Hanggang sa kamatayan ay hinahabol pa rin ng intriga ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Pinagdidiskusyunan sa showbiz world kung sino talaga ang nagbayad ng hospital bill ni La Aunor.
Matatandaan na naoperahan muna siya bago nabawian ng buhay sa loob ng mamahaling ospital.
Alam naman natin na rito sa Pilipinas, ang mahal-mahal magpasok sa ospital, lalo na kung private.
Much more, sumailalim pa sa operasyon si Ate Guy, at sa puso, huh? Mahina ang isang milyong piso d’yan.
Ang masaklap pa, sa mamahaling ospital pa namatay si La Aunor. Eh, ang laking halaga rin ng pagpapalabas ng bangkay ng isang namatayan sa loob ng ospital, ‘di ba?
Kaya understandable kung gaano kalaki inabot ang hospital bill ng Superstar, kahit pa sabihing may ayuda ang government sa isang National Artist na gaya ni Nora.
May kumalat daw kasi na isang kilalang pulitiko ang nagbayad ng hospital bill ni La Aunor. Parang umeepal daw ang kampo ng pulitiko at ipinapakalat na siya ang nagbayad ng hospital bill ng yumaong aktres.
Pero ayon sa iba, ang PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) daw ang nagbayad sa hospital bill ni Nora.
Samantala, pati ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM) ay nadawit na rin sa usapin. Kaya naman naglabas na ng kanilang statement ang Malacañang on behalf of PBBM.
Ayon kay Communications Senior Undersecretary Ana Puod, ang Office of the President (OP) and si Pres. Ferdinand Marcos, Jr. ang nagbayad ng hospital bill ni Nora.
Ang PCSO General Manager na si Mel Robles mismo ang nagkumpirma sa OP na si PBBM ang nagbayad.
At hindi lang daw ang hospital bill ni La Aunor ang binayaran ni PBBM kundi pati ang mga naiwang utang at iba pang expenses ng pumanaw na aktres, sabi pa raw ni Puod.
“‘Di lang ‘yung hospital bill ‘yan, pati ibang utang at ibang expenses daw galing sa personal na pera ni PBBM (President Bongbong Marcos) ‘yan,” pahayag ni Communications Senior Usec. Puod sa Malacañang reporters via text message.
Sabi pa ni Puod, “We don’t know the breakdown… Kung magkano at ano breakdown ng ibinigay ng Presidente, we don't want to discuss anymore.”
May allotted din na pambayad sa medical and hospitalization ng isang National Artist hanggang P750,000 kada taon.
Samantala, may nakalaan din na P150,000 sa mga naiwang malapit na kaanak ng pumanaw na National Artist.
In fairness, wala nang iisipin ang pamilya ni Nora sa mga naiwang utang ng Superstar. Meron pa silang P150,000 at ang balita ay milyones daw ang inabot na halaga ng mga abuloy kay La Aunor.
But of course, kahit ano’ng laki pa ng halagang ‘yan, ‘di pa rin nito mapapantayan ang sakit ng pagkawala ng taong mahal natin sa buhay.
IPINAALAM ng aktor na si Wendell Ramos ang pagbawi niya ng kanyang kandidatura na makikita sa Facebook (FB) page niya, kung saan naka-post ang picture ng “Statement of Withdrawal of Candidacy.”
Nag-file siya ng kanyang withdrawal sa Comelec last January 31.
Statement ni Wendell: “To my dear constituents of District 4, Sampaloc, Manila. I would like to officially inform you that I have withdrawn my candidacy as Councilor as of January 31, 2025, at Comelec Manila for the upcoming May 12 elections.
“After careful consideration and heartfelt discussions with my family, manager, and network, I have made the difficult decision to discontinue my campaign due to prior work commitments and family matters.
“I am deeply grateful to everyone who supported me, welcomed me, and believed in my programs even before I filed my withdrawal. Your trust and encouragement mean more than words can express.
“Thank you for your understanding and continued support.
“As election day approaches, I humbly urge everyone to vote wisely and choose leaders who will genuinely serve our beloved District 4, Sampaloc, Manila.
“God bless us all.”
Maraming fans naman ang nagpahayag ng suporta sa naging desisyon ng aktor.
So, there.
Comments