top of page
Search

Hinayaan lang ni Xian… KIM, SOLONG NAGBAKASYON SA TATE

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 18, 2022



Nasa USA ngayon si Kim Chiu kaya hindi siya napapanood sa It's Showtime. Panay ang post niya sa social media ng kanyang mga kuha sa pamamasyal sa Disneyland at sa iba pang lugar sa USA.


Kaya marami ang nagtatanong kung bakit hindi kasama ni Kim ang BF niyang si Xian Lim? Bakit hinayaan siyang bumiyaheng mag-isa?


Busy ba ngayon si Xian? Dati-rati ay magkasama sila kapag nagbabakasyon abroad. Hindi tuloy maalis ang pagdududa ng mga netizens tungkol sa kanilang relasyon.


Para raw isa lang malaking palabas ang lahat at hindi totoo ang ipinakikita nilang sweetness sa harap ng mga tao. Ang tagal-tagal na nilang magkarelasyon, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa nagpo-propose si Xian Lim kay Kim Chiu? Eh, pareho na silang tumatanda. 'Yung mga kasabayan nila noon sa Kapamilya Network ay pawang may asawa't anak na.


Open naman si Kim Chiu sa pagsasabing anytime ay ready na siyang mag-settle down. Pero, dedma si Xian Lim.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page