ni Imee Marcos - @Buking | September 7, 2020
Top to bottom! ‘Yan ang dapat gawing paglilinis sa PhilHealth na nabahiran na ng korupsiyon, agree?
Hay naku, mga frennie, nakakapikon talaga kapag pinag-uusapan ang PhilHealth, ewan ko ba! Eh, lustayin ba naman ng ganun-ganon lang ang pera sa kabang-bayan, bilyones pa, sino ba naman ang hindi maiimbyerna? Nakakalokah!
Pero, mga friendship, ang “Imee Solusyon” natin d’yan ay kailangang, isa-isahin ang problema kung saan ba talaga nanggaling o nagsimula ang korupsiyon sa mga opisina sa loob ng PhilHealth. At nakikita nga natin, mga besh, na dapat linisin ang accounting, auditing, legal lalo na ang I-T. Inot-inot ‘ika nga sa aming mga Ilocano!
Aba, puwede namang i-outsource ang I-T o kaya hingi tayo ng tulong sa I-T ng SSS, biruin n’yo ha, milyun-milyon ang members ng SSS, pero nagkaaberya ba sila o me malawakan bang korupsiyon? ‘Di ba, wala? Bongga!
May lumulutang namang rekomendasyon, mga besh, mula sa Kongreso na i-privatize na ang PhilHealth. I think naman, mga besh, hindi pa dapat, dahil medyo radikal pa ‘yan. Bakit kamo? Eh, magkakaisyu riyan sa public funds kasi pera ng gobyerno ‘yan at hindi puwedeng ilagay sa kamay ng pribado.
Ganito kasi ‘yan, mga frennie, kapag na-privatize na ‘yan, eh, medyo scary kasi maoobliga itong kumita, ibig sabihin ay posibleng maging sanhi ito ng pagtaas ng premium contribution sa PhilHealth. Eh, di ba nga kung ilang beses nang papalit-palit ang heads, wala ring nangyari, pagkatapos, biglang magpapalit-palit din ng korporasyon? Naku, eh, di lalong wala tayong nahita! Juskoday!
Hindi lang ‘yan mga besh, posible ring babagal ang pagbabayad sa mga ospital kapag naisapribado ‘yan, eh, ‘susmaryano, another problem na naman ‘yan, ‘di ba? Santisima! Kaya hirit natin sa ating mga kasamahan sa gobyerno, hinay-hinay lang dahil maaayos din ang lahat. Ganern!
Sa isang banda, nakakatuwa naman na may napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong PhilHealth President na si Dante Gierran. Wish natin, sana oks na siya at malinis niya ang korupsiyon dyan, na dekada na ring namayagpag! Mga seestra, magtulungan tayo dahil tayong lahat din naman ang makikinabang kapag naisaayos ang aberya sa ahensiyang ‘yan. Plis lang, keri natin ‘yan!
Comments