ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 14, 2025
Mukhang single na uli si Kylie Padilla based sa post niya sa Threads (@) na, “I swear I’m not naive but I want my relationships to last forever, which is probably why I stay longer than I should. I just don’t want to accept failure. But never force something that has passed an expiry date.”
Sa post niyang ito, may netizen na nag-comment at nagbigay ng unsolicited opinion.
Sey nito, “If you’re really single now, challenge yourself to stay single for at least 1 year. Might be impossible for the Aquarius woman like you na walang karelasyon for that long, but it’s better to focus more on your kids and career muna sa 2025 than finding or having a love life.
Try to have a strong goal like winning an acting award this year?”
Ang sagot ni Kylie sa opinion ng netizen ay “Exactly the goal.”
Hindi lang malinaw kung ‘yung goal na sinabi ni Kylie ay ang manalo ng acting award o ‘yung maging single muna siya. Marami ang nag-agree sa comment o opinion ng netizen na ‘wag muna siyang mag-love life at mag-focus muna sa kanyang career at mga anak.
In fairness, maganda ang takbo ng career ni Kylie. Katatapos lang ng Asawa Ng Asawa Ko (ANAK), kasama siya sa Sang’gre at for sure, may mga darating pa siyang projects.
As for her kids, kagagaling lang nilang mag-iina sa Taiwan kasama sina Sen. Robin Padilla at Mariel Padilla at kanilang mga anak, mga kapatid ni Kylie at pati si BB Gandanghari. Bonding time ang nangyari sa Padilla family.
SHOWING pa ang Green Bones (GB) at baka umabot pa ang showing ng pelikula sa airing naman ng bagong series ni Ruru Madrid sa GMA-7 na Lolong: Bayani ng Bayan (LNBN) starting January 20, 2025.
May rason nga ang congratulatory messages sa aktor dahil sunud-sunod ang big projects nito sa pelikula at telebisyon.
Mas malaki ang pagbabalik ng Lolong at makikita naman sa teaser pa lang at sa official trailer na rin. Pinaghandaan ito ni Ruru, matinding training ang kanyang pinagdaanan bago simulan ang taping dahil alam ng team na marami ang nag-aabang sa Book 2 ng series.
Muling makakatapat ni Ruru si Coco Martin dahil ilalagay ang Lolong sa first slot ng primetime programming ng GMA-7.
Una nang nagkatapat ang series ng dalawa sa Black Rider (BR) ni Ruru at Batang Quiapo (BQ) ni Coco. Siguradong ang ibang netizens, ang ratings ng series ni Ruru ang aabangan.
Ang cute lang ni Bianca Umali dahil may bag charmer siya na parang buwaya at tinawag niyang Lolong. Sa halip na Labubu ang gamiting bag charmer, si Lolong ang bag charmer ng girlfriend ni Ruru.
MOVIE NINA KIM AT PAULO, NAUDLOT DAHIL KINA MARVIN AT JOLINA, FANS TODO-PALAG
Puro “yes” ang sagot ni Direk Tonet Jadaone sa tanong ng mga fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin kung may screening sa US ang reunion movie ng dalawa na Ex Ex Lovers (EEL). Pati sa Canada, ipapalabas din ang movie and for sure, sa iba pang parte ng mundo.
Mauuna nga lang ang showing ng movie ni JP Habac sa ‘Pinas dahil sa February 12, 2025 na ito.
Masaya ang mga fans nina Jolina at Marvin at ang mga batang ‘90s na panahon ng kasikatan ng dalawa. Pinatatawa at pinakikilig pa rin daw sila ng dalawa at doon nga sa reels na nagpo-promote sila ng movie, panay ang halik ni Marvin kay Jolina. Lalo tuloy na-excite ang mga fans na mapanood na ang pelikula.
May mga fans lang sina Kim Chiu at Paulo Avelino na sinisisi sina Jolina at Marvin at ang kanilang pelikula kung bakit nabago ang playdate ng KimPau movie na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Kaya lang, hindi Star Cinema ang producer nito, kundi ang Project 8 Projects at Cornerstone Studios.
Ang sabi, February 26 ang original playdate ng EEL. Nang iatras ng Star Cinema ang showing ng movie nila, inilipat ng mga producers sa nabakanteng playdate ng Star Cinema ang movie nina Jolina at Marvin. Sa March 26 naman ang bagong playdate ng KimPau movie.
Wala nang away-away dapat, maging masaya at suportahan na lang ang local movies na ipapalabas kahit sino pa ang mga bida. Agree lang kami na dapat babaan ang presyo ng movie ticket para mas maraming manood.
When it comes to combining convenience, style, and durability, the Gemline 1100 Lunch Bag stands out as the perfect solution for on-the-go meals. Available now at All Is Apparel n Bags, this lunch bag is designed to keep your food fresh and organized throughout the day. Featuring a sleek, modern design and spacious interior, the Gemline 1100 is perfect for packing lunch for work, school, or any outdoor adventure. The insulated interior helps maintain the ideal temperature for your meals, while the sturdy construction ensures it can handle daily use without wear and tear. Whether you're headed to the office, a picnic, or just need a reliable lunch carrier, the Gemline 1100 Lunch Bag offers both functionality and style in…