top of page
Search
BULGAR

Hinaing ng taumbayan ang dapat pag-usapan, at hindi ang Chacha at Maharlika Fund

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | February 19, 2023



Chacha season na naman.


Hindi sayawan, kundi ang tila kada taon na lang na pagtalakay sa Charter Change o pag-amyenda ng ating Konstitusyon.


Panahon na nga ba para palitan ang Konstitusyon? Para sa akin, hindi pa.


Ngayon pa lamang tayo muling bumabangon mula sa dagok ng pandemya.


Napakaraming kailangang ayusin dahil sa pagkalugmok ng bansa at ng mga kababayan natin, pangunahin na ang record inflation at potential na global recession.


Ang kailangang tutukan ng buong pamahalaan, kasama na ang Kongreso ay ang pagtugon sa hinaing ng mga kababayan nating hirap na hirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin.


Darating ang panahon na maaaring pag-usapan ang charter change, ngunit huwag na muna ngayon.


☻☻☻

Patuloy din ang diskusyon tungkol sa panukalang Maharlika Investment Fund.


Nitong nakaraang linggo ay tinalakay rin ito sa Senado.


Hindi pa rin ako kumbinsido sa panukalang ito, lalo pa’t tila hindi handa ang pamahalaan sa pag-operationalize nito.


Kahit ang mga basic na requirement sa ganitong gawain, kagaya ng business plan o feasibility study ay hindi naipresenta ng mga naatasang ipagtanggol ito sa hearing ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.


Kung nais talagang ituloy ang MIF, kailangang masiguro ng pamahalaan na all bases are covered.


Masyadong malaking pera ang nakasalalay sa pagpapaandar nito, kaya marapat lamang na gawin ang lahat ng kailangan gawin para maprotektahan ang interes ng mga kababayan natin.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page