top of page

Hilaw na papaya, epektib na panlaban sa bakterya at mikrobyo sa katawan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2020
  • 2 min read

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 26, 2020




Ang hilaw na papaya.


Isa sa pinakasikat kung halamang kinakain ang pag-uusapan ay ang papayang hilaw. Ito rin ay ang isa sa pinakamabili kung ang pag-uusapan naman ay ang kabuuang halaga ng pinagbilhan dahil ang hilaw na papaya ay araw-araw na makikita sa palengke at hindi tulad ng ibang paninda na depende lang sa panahon. Araw-araw, halos nauubos ang hilaw na papaya kaya kinabukasan ay bagong hilaw na papaya na naman ang tinda.


Ito ang numero-unong sangkap sa tinolang manok at ito ay sumasarap kapag may papaya. Pero hindi lang sarap ang dulot ng hilaw na papaya sa tinola dahil may munting kasaysayan ang hilaw na papaya, manok na pula at sabungero.


Noon, ang natalong panabong na tandang ay iuuwi ng nanalo sa sabong at ang natalong manok ay ititinola ng asawa ng sabungero. Gayunman, bago maging panlaban ang lalaking manok, umaabot ng halos isang taon at minsan ay eksaktong isang taon ang edad ng tandang at mayroon ding lagpas pa rito. Ito ay para hindi umatras o umayaw ang panlabang manok dahil kapag matanda ang manok, matigas na ang laman at hindi na niya gaanong iniinda ang tama ng tari. Ang tari ay ang parang espadang maliit na sobrang talim na inilalagay sa paa ng panabong.


Makapal, makunat at matigas ang laman ng manok na panabong, kaya kung ito ay lulutuin, ano ang katapat? Ayon sa asawa ng mga sabungero, ang dapat na kasama nito ay ang papayang hilaw.


Ito ang kaibahan ng papayang hilaw sa iba pang isinasangkap sa tinolang manok kung saan ang papaya ay numero-unong meat tenderizer.


Nagulat ka ba? Oo, kaya inilalagay ang hilaw na papaya sa tinolang manok ay dahil ito ay pampalambot ng karne. Bukod pa rito, ang hilaw na papaya ay isa ring sikat na herbal medicine at narito ang mga kaya niyang gawin:

  1. Tumutulong ito para gumanda ang digestive system, lalo na kapag ang tao ay may sakit sa pancreas.

  2. Mabilis na gumagaling ang mga sugat dahil numero-uno itong panlaban sa mga bakterya at iba pang mikrobyo sa katawan ng tao. Ito rin ay gamot sa ulcer.

  3. Gusto mo bang bumata ang iyong balat? Ito na ang kasagutan dahil ang hilaw na papaya ay mabisang pampabata ng balat. Kayang-kaya rin nitong tanggalin ang black heads at iba pang abnormalities sa balat.

  4. Ang pagkain ng hilaw na papaya ay tumutulong sa mga nanay na nagpapasuso sa kanilang mga sanggol dahil mas dumadami ang suplay ng kanilang gatas.

  5. Kaya ring lunasan ng pagkain ng hilaw na papaya ang mga sakit na nagmumula sa buwanang-dalaw ng kababaihan.

  6. Ang madalas na pagkain ng papaya ay naglalayo sa tao mula sa atake sa puso. Kaya ang hilaw na papaya ay friendly to the heart.

Kaya next time na magluluto ka ng tinolang manok, huwag ka nang magdalawang-isip. Hilaw na papaya na ang iyong gamtin dahil lalong sasarap ang manok at sabaw nito, gayundin, maganda pa sa health.


Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page