ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 2, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_eedbd168636944d9b8dabdb483a8d64b~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_eedbd168636944d9b8dabdb483a8d64b~mv2.jpg)
Naapektuhan ng baha ang mahigit sa 8,000 na tao sa Davao City dahil sa tuloy-tuloy na ulan mula sa low pressure area (LPA), ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Mula sa 15 na barangay ang mga apektado.
Gumamit ang mga rescue team ng mga rubber boats para ilipat ang mga residente ng Barangay Tigatto sa mas ligtas na lugar. Kusa namang nag-evacuate ang ilang residente bago pa tumaas ang baha.
Nag-evacuate ang mga residente ng Barangay Maa nang umabot ang baha sa lebel ng leeg.
Sa Barangay 19-B, nasa gymnasium ang mga evacuee at tinutulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Dinala rin ang mga residente ng Matina Gravahan sa mas ligtas na lugar dahil sa baha na umaabot sa lebel ng baywang.
Comments