ni Jasmin Joy Evangelista | November 6, 2021
Tuluy-tuloy ang dating ng bakuna sa bansa.
Dumating na ang 866,970 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno, nitong Biyernes nang gabi.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ngayong araw ay may darating pang karagdagang doses ng Pfizer vaccine.
Lubos ang pasasalamat ni Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng sub-task group on current operations ng NTF, sa United States government para sa tulong at suportang ibinigay nito para makabili ang Pilipinas ng naturang mga bakuna.
Ang mga bakunang ito ay nakatakdang gamitin para sa mga batang edad 12 hanggang 17 sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Inaasahang patuloy na tataas ang bilang ng mga menor de edad na mababakunahan kontra-COVID-19 sa mga susunod pang araw.
Comentarios