top of page
Search

Higit 80 patay sa matinding mga buhawi sa Amerika

BULGAR

ni Lolet Abania | December 12, 2021



Nag-iwan ng mahigit sa 80 katao ang patay habang napakaraming nawawala matapos ang dosenang mga tornado o buhawi ang matinding tumama sa magdamag sa anim na US states nitong Sabado.


Itinuturing ito ni President Joe Biden bilang, “one of the largest storm outbreaks in American history.”


“It’s a tragedy,” nanginginig na sabi ni Biden sa isang televised comments.


“And we still don’t know how many lives are lost and the full extent of the damage.”


Sa ulat, kahit may kalamigan ng gabi ng Sabado matapos ang buhawi, kabi-kabila pa rin ang search-and-rescue ng mga opisyal upang matulungan ang mga kababayan nila sa buong Amerika, kung saan nawasak ang kanilang mga tahanan at mga negosyo, habang patuloy na naghahanap ng mga survivors.


Pinaniniwalaang nasa mahigit 70 indibidwal ang namatay sa Kentucky pa lamang, na karamihan sa kanila ay mga workers sa isang candle factory, habang tinatayang nasa anim ang nasawi sa isang Amazon warehouse sa Illinois, kung saan night shift ang duty ng mga manggagawa na tinatapos ang mga orders bago ang Pasko.


“This event is the worst, most devastating, most deadly tornado event in Kentucky’s history,” sabi ni state Governor Andy Beshear. “We will have lost more than 100 people.”


“The devastation is unlike anything I have seen in my life, and I have trouble putting it into words,” saad pa niya sa mga reporters.


Agad naman idineklara ni Beshear ang state of emergency sa nasabing state.


Patuloy naman ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga nawawala.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page