ni Jasmin Joy Evangelista | October 30, 2021
Nasa mahigit 50 kababaihan ang ni-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa prostitusyon.
Sa isang bar sa Pasay City, 48 umano ang biktima ng prostitusyon.
May nadatnan pa ang NBI anti-human trafficking division na mga aplikante para mamasukan bilang sex worker.
Inaresto at kinasuhan ang manager ng bar.
Sa isa namang motel sa Maynila, agad ni-rescue ang 3 babae matapos umanong ibugaw online.
Ayon sa report, single mother ang 3 at wala umanong mahanap na trabaho kaya tinanggap ang alok ng bugaw.
Panustos sa pamilya ang pangunahing dahilan kung bakit umano ito pinapatulan ng mga kababaihan, ayon sa NBI.
Sasailalim sa counselling ang mga nasagip na biktima.
Commenti