ni Jasmin Joy Evangelista | February 10, 2022
Dumating na sa bansa ang 455,130 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine nitong Miyerkules ng gabi.
Lumapag sa NAIA Terminal 3 bandang 9:00 p.m. ang Hong Kong Airlines flight mula Cebu na dala ang panibagong shipment.
Ayon kay assistant secretary Wilben Mayor ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, gagamitin ang mga bakuna sa adult at adolescent vaccinations at booster shots.
Ayon sa NTF, umabot na sa 129,125,464 na mga COVID-19 vaccine dose ang naipamahagi na sa bansa noong Pebrero 7.
Sa ngayon, higit 60 milyong Pilipino na ang fully vaccinated at 8.2 milyon na ang nakakuha ng booster shots.
Samantala, inaasahan din ngayong Huwebes ng gabi ang pagdating sa bansa ng ika-2 batch ng 780,000 reformulated Pfizer-BioNTech vaccine doses para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Comments