ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 26, 2021
Dumating na sa bansa ang 362,700 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine noong Miyerkules.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Air Hongkong flight LD456 lulan ang mga naturang bakuna.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 50,310 doses ng Pfizer ay dumating sa Cebu City bandang alas-5 nang hapon at 50,310 doses din ang nakatakdang dalhin sa Davao City ngayong Huwebes.
Ang iba pang Pfizer vaccines ay dinala naman sa PharmaServ Express cold-chain storage facility sa Marikina City, ayon sa NTF.
Ayon naman kay Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) sub-task force, ang mga bakuna ay dadalhin sa mga lugar na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus.
Aniya pa, "Though meron na tayo ngayong tinatawag na from the spot, nagkakaroon agad ng inoculation. Dinadala na agad doon sa area and pagdating doon, ini-inject na kaagad.
"But, again, we leave it to the Vaccine Cluster to decide on whether to which particular area that they will distribute or allocate this Pfizer vaccine."
Kommentare