ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021
Nagpositibo pa rin sa COVID-19 ang mahigit 350 doktor at medical workers sa Indonesia kahit nabakunahan na ang mga ito ng Sinovac.
Karamihan umano sa mga health workers ay asymptomatic at nagse-self-isolate sa bahay, ngunit ang ilan ay kinailangang i-admit sa ospital dahil sa mataas na lagnat at pagbaba ng oxygen-saturation levels, ayon kay Badai Ismoyo, head ng health office ng Kudus District sa Central Java.
Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Kudus dahil sa Delta variant at umabot na sa 90% ang bed occupancy rates sa mga ospital.
Noong Enero nagsimulang magbakuna ang Indonesia sa mga healthcare workers na priority group at ayon sa Indonesian Medical Association (IDI), karamihan sa mga ito ay nakatanggap ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.
Ayon sa public health experts, bumaba naman ang bilang ng mga healthcare workers na namatay sa COVID-19 noong Enero hanggang Mayo ngunit nababahala sila sa pagtaas ng kaso sa Java.
Saad ni Dicky Budiman, epidemiologist ng Australia Griffith University, "The data shows they have the Delta variant (in Kudus) so it is no surprise that the breakthrough infection is higher than before, because, as we know, the majority of healthcare workers in Indonesia got Sinovac, and we still don’t know yet how effective it is in the real world against the Delta variant.”
Samantala, nagpaalala naman sa publiko si Dr. Prijo Sidipratomo, radiologist ng Jakarta, na mag-ingat kahit pa nabakunahan na laban sa COVID-19.
Aniya pa, "It is alarming for us because we cannot rely on vaccinations only.”
Comments