ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 24, 2021
Nasabat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang higit sa 300 kilograms na manta ray meat sa Zamboanga del Norte at ang mga suspek ay haharap sa “heavy fine” at posibleng pagkakakulong, ayon sa ahensiya.
Nagsagawa ng Oplan Kurantay at simultaneous seaborne operations ang DA-BFAR 9 Fisheries Protection and Law Enforcement Group Team Zamboanga Del Norte, PNP-Maritime Group, at Municipal Agriculturist Office (MAO) sa municipal waters ng Labason, Zamboanga del Norte noong Abril 18 nang umaga.
Bandang 8:30 AM, habang nagpapatrulya, namataan ng awtoridad ang dalawang commercial fishing vessels na F/B RON RON at F/B LIONEL JAMES sa vicinity waters ng Labason. Nang lapitan ng Fishery Enforcers ang mga naturang bangka, nahuli sa akto ang pagpatay ng mga tauhan nito sa manta rays at tinangka pa umanong itapon ng ilang miyembro ng fishing crew ang mga karne nang matunugan ang pagpapatrulya ng awtoridad.
Narekober naman ang 15 kg. ng manta ray mula sa F/B RON RON and 300 kg. mula sa F/B LIONEL JAMES.
Naghain na ang awtoridad ng Notice of Violation dahil sa paglabag sa Sec. 102 (Fishing or Taking of Rare, Threatened or Endangered Species) ng RA 8550 as amended by RA 10654 ng mga boat captains at may-ari ng mga bangka.
Pahayag ng BFAR, “As listed in the Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES), Appendix II, Manta rays (Mobula sp.) are identified as belonging to a group of species associated with significant unregulated, unsustainable fishing pressures and severe population depletion.”
Samantala, nai-turn over na sa BJMP-Liloy District Jail ang mga nakumpiskang karne ng manta rays upang maayos na mai-dispose sa tulong ng Municipal Police Station ng Labason.
Saad pa ng ahensiya, “DA-BFAR IX strongly reiterates and warns the general public that it is unlawful to FISH or TAKE, CATCH, GATHER, SELL, PURCHASE, POSSESS, TRANSPORT, EXPORT, FORWARD or SHIP OUT aquatic species listed in Appendix II of the CITES.
“The offender may suffer an administrative penalty of ₱ 300,000 to ₱ 3,000,000 and/or upon conviction by a court of law, punished by imprisonment of FIVE to EIGHT YEARS plus twice the administrative fine.”
Nanawagan din ang BFAR na ipagbigay-alam ang mga ilegal na fishing activities sa FPLEG Hotline No. 0939-936-6832.
Comments